Jessy umaming malaki ang balakang kaya mataba sa TV
MARESPETONG sinagot ng Kapamilya actres na si Jessy Mendiola ang isang netizen na nagtanong kung bakit mataba siyang tingnan sa TV screen.
Ayon sa Instagram follower ni Jessy, mas malaki siyang tingnan kapag nasa TV kesa sa mga picture niya sa social media. Ang sexy-sexy naman daw ng girlfriend ni Luis Manzano sa kanyang IG photos pero kapag lumabas na siya sa TV ay bigla siyang lumalaki.
Tanong ni (@mrsvillarba_08) kay Jessy, “Wow! Bakit parang antaba
mo po sa TV SCREEN?”
Sagot naman ng dalaga, “TV makes you gain 10 lbs. Yung talaga mas slim in person, kapag nasa tv. Sakto lang. Eh ako balakangin kaya kapag nasa TV doble.”
Nag-thank you naman ang netizen dahil sinagot siya ng maayos ni Jessy at hindi siya nito tinarayan. Isa ang aktres sa mga celebrities na naging biktima na ng body shaming sa social media.
May mga pagkakataon na nireresbakan ni Jessy ang kanyang mga basher kapag masyado nang masakit ang mga pinagsasasabi laban sa kanya.
Pero nitong mga huling araw ay tila dedma na lang ang GF ni Luis sa mga panlalait at pambabastos ng netizens sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.