Armadong mga pari | Bandera

Armadong mga pari

Lito Bautista - May 26, 2017 - 12:10 AM

HIHIYAIN Niya sa mundo, sa paglalahad ng kanyang kasalanan. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Gawa 16:22-34; Slm 138; Jn 16:5-11) sa ikaanim na linggo ng Pagkabuhay. Si Noy ba ang turan?

Dapat subukan ang martial law ng Saligang Batas ni Corazon Aquino. Pabayaan itong gumana nang malaman kung magiging tahimik na ang Mindanao, lalo ang ARMM. Sa martial law ni Marcos (nakita ko ang marahas na pagpapatupad ng ASSO [Arrest, Search and Seizure Order] sa isang dormitoryo sa U-Belt), iniligtas ang bansa sa kamay ng mga komunista. Sa martial law ni GMA, nalansag ang warlordism ng mga Ampatuan. Sa martial law ni Duterte, dapat lipulin ang teroristang Moro at NPA.

Nang igiit ang martial law ni Aquino, ang nasa isip ay si Marcos. Hindi inisip ang kaguluhan at karahasan na gagawin ng lihis na mga moro. Di nagpadala noon ng mga cadre ang Red China sa RP para palaganapin ang komunismo. Di nga hangad ng Red China na ibagsak ang RP, na siyang pakay ng lokal na komunista, isa na si Taguiwalo.

Taga-Mindanao si Duterte at kailangang patunayan niya na kilala niya ang magugulo, di tulad ng ginawa ni Benigno Aquino 3 na imbes na iligtas ay inilugmok ang Zamboanga City. Inagaw niya ang poder de gera sa AFP; hayun at tumagal ang karahasan at panununog ng mga moro. Hanggang ngayon, may refugees pa sa Zambo.

May mga sundalo (kabilang ang PC) na umabuso sa Proclamation 1081. Marami rin namang nilitis ng military courts at marami rin ang nasibak. Isa sa kinoberan ko para sa Evening Post ay ang paglilitis sa sundalo ng Army sa Camp Capinpin, Tanay, Rizal. May mga kasong nauwi sa areglo, dahil binayaran na lang ang mahihirap na magsasaka, o biktima.

Ipanalangin natin ang kaligtasan ni Fr. Teresito “Chito” Suganob, ng St. Mary’s cathedral, Marawi. Nahaharap siya sa matinding peligro’t pagsubok. Tumugon siya sa pagtawag ni Jesus at isinugo sa mapanganib na kapaligiran at misyon. Inialay na ni Fr. Chito ang kanyang buhay sa Iyo, Jesus; Mahal na Birheng Maria sa iyong katedral, tulungan po Ninyo ang maalab mong pari.

Si Fr. Cirilo Nacorda ay pari sa Basilan at Sulu. Habang nagmimisa, may M16 rifle si Fr. Cirilo sa ilalim ng altar. Nakamotor lang si Fr. Cirilo dahil kapag nasa loob siya ng kotse ay di siya makalalaban sa babaril sa kanya. Sa mga sick calls, nakasabit sa batok ng pari ang M16. Di ko iminumungkahi na mag-armas ang mga pari.

Ang pag-aarmas sa mga pari ay personal choice, tulad ng ilang pari sa GenSan at Davao City. Isang pari na taga-Pulilan, Bulacan ang natutong bumaril nang italaga siya sa bansang ma-tribu at pumapatay ng pari. Nang magbalik sa Pinas, “nakalimutan” na niya ang bumaril. Hanggang sa isinama ko siya sa firing range. Nanumbalik ang kanyang “pulso” at tinuruan ko siyang bumaril ng “hostage-taker” na di tinatamaan ang “hostage.”

Nakalulungkot. Maraming buntis na menor edad sa lungsod na ito sa Bulacan. Nasasalubong sila sa kalye, sa lugawan sa mga palengke’t talipapa at ang iba’y sasayaw-sayaw pa sa pagdiriwang sa flores de mayo’t mga kapistahan. Kagimbal-gimbal ang mga disgrasyada sa murang edad. Sa City Hall, walang tala ng teenage pregnancies.

Kailangang umusad at umakyat sa Senado ang impeachment kay Ombudsman Conchita Morales bago siya magretiro. Madaliin ito, kung maaari, tulad ng ginawang paglilitis noong panahon ni Marcos ng Manila at Rizal Circuit Criminal Court. Marathon trial noon. Bista sa umaga, promulgation sa gabi. Mabigat ang akusasyon kay Morales na “selective prosecution.”

PANALANGIN: Patawarin Mo ang mga sala at ilayo sa apoy ng impiyerno. Panalangin ng Mahal na Birhen ng Fatima.

REKLAMO mula sa Bayan (0916-5401958; [email protected]): Sa text ni Cecil, ng Barangay Balubal, CDO, “Reklano” ba ang tanong kung may pari sa impiyerno? ….Tekya, Barangay Canitoan, Cagayan de Oro City …1176 (Tugon: hindi ko isinama ang unang talata ni Cecil, na inirereklamo ang isang pari.)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Please do not hurt Fr. Chito (St. Mary’s cathedral). Have pity on churchworkers. Elise, Barangay Rapasun MSU, Marawi City …2893

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending