Kailan makapagtatrabaho? (2) | Bandera

Kailan makapagtatrabaho? (2)

Joseph Greenfield - May 25, 2017 - 01:52 PM

Sulat mula kay Maryeta ng Bulak, Gapan, Nueva Ecija
Problema:
1. Gradueyt po ako ng kursong Food Technology at naghahanap ng matinong trabaho. Dalawang beses na akong nakapagtrabaho ang kaso puro contractual lang kaya pagkatapos ng kontrata istambay na naman ako at ang napapasukan kong trabaho ay hindi related sa course ko.
2. Gustong-gusto ko ng magkaroon ng trabaho na regular para makatulong sa aking mga magulang lalo na ngayong may sakit pa ang aking nanay. Sir Greenfield, sa palagay nyo, kailan kaya ako magkakaroon ng regular na trabahong related talaga sa natapos kong kurso? May 28, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Maryeta Nueva Ecija
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 2.) ang nagsasabing sa buwang ito ng Mayo hanggang Hunyo at sa Nobyemrbe hanggang Disyembre, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusang darating sa iyong buhay kabilang dito ang pagkakataong ikaw ay makapaglakbay.
Numerology:
Ang birth date mong 28 ay nagsasabing sa sandaling nakapag-abroad ka na, tuloy-tuloy na ang maraming pagpapabalik-balik at mabungang pangingibang bansa ang magaganap sa iyong kapalaran.
Luscher Color Test:
Upang lalong matupad ang nasabing positibong pag-aanalisa ng iyong kapalaran mas maganda kung lagi kang magsusuot ng paborable mong kulay na dilaw, silver, gray at puti at ganon din ng silver na alahas.
Huling payo at paalala:
Maryeta tunay ngang wala sa ating bansa ang pag-asenso at pagkakaroon ng maalwang pamumuhay kundi nasa ibayong dagat. Kaya naman ginagabayan ka ng iyong kapalaran na ngayon palang mas mainam na mag-aplay ka na patungo sa ibang bansa. Sa ganyang paraan, sa taon ding ityo ng 2017 sa buwan ng Nobyembre o kaya’y Disyemrbe, pinakamatagal na sa Enero sa susunod na taong 2018, sa edad mong 28 pataas, tiyak ang magaganap – may isang mabunga at mabiyayang pag-aabroad na itatala sa iyong kapalaran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending