Coco 'ninong' ng mga kontrabidang nabigyan ng trabaho sa 'Probinsyano' | Bandera

Coco ‘ninong’ ng mga kontrabidang nabigyan ng trabaho sa ‘Probinsyano’

Cristy Fermin |May 22,2017
facebook
share this

Coco ‘ninong’ ng mga kontrabidang nabigyan ng trabaho sa ‘Probinsyano’

Cristy Fermin - May 22, 2017 - 12:05 AM

COCO MARTIN

COCO MARTIN

MAGBUBUKAS na ang ikalawang libro ng Ang Probinsyano. Ang pinakahuling eksena nu’ng nakaraang Biyernes ay ang kasal nina Coco Martin at Yassi Pressman.

Pero sa cliffhanger ay ipinakita ang isang lalaking pasilip-silip sa kasalan, iba na ang itsura nito, impostor na. Maikakaila ba naman na si Arjo Atayde ‘yun?

Maiinis na naman kaming magkakaibigan kapag parang malawak na parking lot ang mga kalye dahil sa matinding trapik. Kaaway na naman namin ang oras dahil siguradong magiging interesante ang serye ngayong papasok na sa istorya ang magaling na action star na si dating Senador Lito Lapid.

Napakaraming datihang action stars na nabibigyan ng pagkakataon sa Ang Probinsyano dahil sa mga eksena ng barilan at pagsusukatan ng lakas.

Ninong nga ang tawag ng maraming kontrabida kay Coco Martin ngayon dahil sa totoo lang, siya ang sagot sa taghirap na sitwasyon ng mga character actors, kumikita sila dahil sa pagsuporta kay Coco Martin.

Napapayag ng produksiyon na magbalik sa pagganap si dating Senador Lito Lapid na kasama ang kanyang anak na si Mark Lapid.

Siguradong magiging kapana-panabik ang magiging istorya ng serye sa kanyang ikalawang aklat dahil hindi ‘yun tatanggapin ng mag-amang action stars kung basta-basta lang ang magiging partisipasyon nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending