True ba, Lovi nakikipag-live in na sa French boyfriend? | Bandera

True ba, Lovi nakikipag-live in na sa French boyfriend?

Ervin Santiago |May 18,2017
facebook
share this

True ba, Lovi nakikipag-live in na sa French boyfriend?

Ervin Santiago - May 18, 2017 - 12:05 AM

lovi poe

MARIING itinanggi ni Lovi Poe na nakikipag-live in na siya sa kanyang French boyfriend na si Chris Johnson.

Sa presscon ng bagong fantasy series ng GMA na Mulawin vs Ravena, sinagot ng Kapuso actress ang nasabing isyu, “Oh no! Not at all! Hindi, wala namang ganyan. Yes, nagkikita kami kapag walang trabaho. But no, we’re not (living-in).”

Magkalayo rin daw ang mga bahay nila kaya hindi rin nakakapag-stay ng matagal sa bahay niya ang kanyang rumored dyowa, “I live all the way in Quezon City. Siya, he lives all the way in South pa.”

Pero ayon kay Lovi, ipinagluluto siya minsan ni Chris at makikipaglaro rin sa kanyang alagang aso. Anang aktres, hindi rin sumasagi sa isip niya ang makipag-live in sa kanyang BF, “I think, it’s too early to be thinking about it.”

Nakiusap din ang dalaga na sana’y ibalato na lang muna sa kanila ni Chris ang kanilang privacy bilang magkarelasyon, “Sa ngayon, it’s something that I don’t want to talk. I want to keep a few things to myself.”

Samantala, bongga ang role ni Lovi sa Mulawin vs Ravena, gaganap siya bilang si Magindara, ang goddess of the sea. Isa siyang sirena kapag nasa tubig ngunit nagiging tao kapag nas alupa na.

“It’s challenging, first time kong gumawa ng fantaserye kaya exciting. And the best part is, palagi kong kasama si Ms. Regine Velasquez sa mga taping, kasi di ba, and I’m a certified Reginian.”

Gagampanan naman ni Regine ang role ni Sandawa, ang goddess of nature at tagapangalaga ng Mt. Apo at isa si Lovi sa magiging anak niya. “Ako kasi ang naiwan sa kanya kasi hindi siya nagmahal ng mortal,” kuwento pa ni Lovi.

Magsisimula na ang Mulawin vs Ravena sa May 22, sa GMA Telebabad, kapalit ng matatapos nang Encantadia. Kasama rin dito sina Dennis Trillo, Ariel Rivera, Chynna Ortaleza, Heart Evangelista at marami pang iba. – EAS

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending