Lola kinatay, lalaki tinaga ang ulo | Bandera

Lola kinatay, lalaki tinaga ang ulo

John Roson |May 17,2017
facebook
share this

Lola kinatay, lalaki tinaga ang ulo

John Roson - May 17, 2017 - 03:56 PM
oriental mindoro Nasawi ang 71-anyos na babae nang pagtatagain ng isang tricycle driver sa Calapan City, Oriental Mindoro, ayon sa pulisya. Patay din ang suspek nang tagain tagain din umano ang sariling ulo, matapos makorner ng taumbayan. Naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga Martes sa tapat ng Ibaba Elementary School sa Brgy. Ibaba West, sabi ni Supt. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng MIMAROPA regional police. Nakatayo sa tapat ng paaralan ang matandang si Marina Rovina, nang lapitan at bigla na lang umanong pagtatagain ng tricycle driver na si Christopher Perez, 31. Nang makita ang sinapit ng matanda, sinugod at kinorner ng ilang residente si Perez, pero nagulat na lang sila nang bigla ding tagain ng suspek ang sariling ulo, ani Tolentino. Dinala pa ang dalawa sa Oriental Mindoro Provincial Hospital, pero kapwa sila idineklarang patay ng doktor, aniya.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending