April Boy tagumpay sa pakikipaglaban sa malubhang sakit; bagong 'idol ng pag-asa' | Bandera

April Boy tagumpay sa pakikipaglaban sa malubhang sakit; bagong ‘idol ng pag-asa’

Cristy Fermin - May 17, 2017 - 12:30 AM

april boy regino

MINSAN pa kaming pinahanga ng Jukebox King at Idol Ng Bayan na si April “Boy” Regino. Ang unang kasalu-saludo sa singer ay ang ginawa niyang paglaban sa kanyang sakit na hindi madaling tanggapin at maligtasan.

Nu’ng una ay parang ayaw na niyang mabuhay, nawalan na siya ng gana sa pagkanta, ni ayaw na nga niyang lumabas sa kanyang kuwarto sa sobrang kalungkutan. Pero martyr ang kanyang misis na si Madel, ito at ang dalawa nilang anak na sina Charmaine at JC ang gumabay sa Jukebox King, nakuha sa dasal ang lahat ng pinagdadaanan ni April Boy.

Ngayon ay balik na naman sa aktibong pagpe-perform si April Boy, nag-iikot na naman siya sa buong bansa para sa pagpapaligaya sa ating mga kababayan at libre ang kanyang pagtatanghal, kahawak-kamay niya sa libreng palabas ang I-FERN, ang kompanyang naghahatid sa atin ng mga epektibong bitamina at gamot sa pamamahala ni Mr. Tommanny Tan, tagumpay ang kanilang tambalan.

Ibang klaseng mag-perform si April Boy, hawak pa rin niya sa leeg ang ating mga kababayan habang nasa entablado siya, bakit nga naman hindi sa dami ng mga kantang pinasikat niya?

At may bonus pa siyang sorpresa para sa ating kababayan, nandiyan na rin ang anak niyang si JC Regino na kung kumanta ay plakado ng kanyang ama ang boses, bukod pa sa guwapo ang young singer na may sarili ring atake sa pagpapasaya ng kanyang audience.

Ang libreng show na inireregalo ni April Boy at ng I-FERN sa ating mga kababayan ay kumpleto. Dala-dala na ng tropa ang lahat, meron silang mga banda at dancers, pati ang sound system ay sagot din nila.

Isa ang nayon ng Visoria, Quezon, Nueva Ecija sa masuwerteng napili ng I-FERN, maraming-maraming salamat sa buong grupo ng Jukebox King na nagpasaya sa aming mga kababaryo, tunay ngang bagong mukha ng pag-asa ang Idol Ng Bayan na si April “Boy” Regino.

Mabuhay kayo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending