Ex-top gov’t official may ililigwak na mga pulitiko | Bandera

Ex-top gov’t official may ililigwak na mga pulitiko

Den Macaranas - May 17, 2017 - 12:10 AM

BALAK  ng isang sikat na pulitiko na ngayon ay walang pwesto sa pamahalaan na maglabas ng isang “memoir” na magdedetalye siyempre sa makulay niyang buhay sa pulitika.

Gusto niyang idetalye rito pati na ang tunay na pagkatao ng kanyang mga nakasama sa pulitika, pati na rin ang ilang mga personalidad at  mga businessmen na naging bahagi ng kabanata ng buhay niya bilang isang public servant.

Pero hindi ito puro puri o tribute sa kanyang mga nakasama dahil ilalantad daw niya sa kanyang memoir ang tunay na pagkatao ng mga ito.

Ilang mga negosyante raw ang nakinabang sa kanilang pagkakaibigan pero nang malagay sa kontrobersiya ang kanyang buhay ay bigla siyang iniwan ng mga ito.

Isa rin sa gusto niyang idetalye sa kanyang gagawing biography ay ang kanyang muntik na maging partisipasyon sa unang pagtatangka ng Magdalo Group na pabagsakin ang dating administrasyong Arroyo na sumablay naman kinalaunan.

Sinabi ng ating Cricket na gusto ni Mr. Politician na ipakita sa publiko ang tunay na pagkatao ng mga nasa likod ng nasabing grupo.

Gustong ipamukha ng ating bida sa kanyang gagawing biography ay ang pagiging gahaman, ganid sa karangalan at kayabangan kaya sumablay ang ilang beses nilang pagtatangka na pataubin ang dating pamahalaan.

Ang problema lamang sa kasalukuyan ni Mr. Politician ay ang kanyang pamilya dahil hinaharang nila ang balak na pagsasapubliko ng mga rebelasyon ni Sir.

Bukod sa maraming tao ang sasabit sa nasabing memoir ay malamang daw na magamit ito sa ilang mga kaso na kasalukuyang kinakaharap ng bida sa ating kwento ngayong araw.

Kapag nangyari ito ay baka raw mas lalong mapadali ang pagpapakulong sa kanya dahil sa mga kasong kinakaharap niya at posibleng kaharapin pa.

Pero sinabi ng ating Cricket na talagang desidido si Sir dahil wala na nga namang sisirain sa kanyang pangalan na nadurog dahil sa labis na pamumulitika ng mga nakapaligid kay dating pangulong Noynoy Aquino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang sikat na pulitiko na gustong idetalye sa isang memoir ang tunay na pagkatao ng isang sikat na personalidad sa larangan ng pulitika at negosyo sa bansa ay si Mr. J….as in Jesus Jose Maria.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending