Duterte magkakaron ng bilateral meeting sa Turkey, Mongolia, at China sa Beijing
Hong Kong–SINABI ni Pangulong Duterte na nakatakda siyang magkaroon ng bilateral talks sa mga bansang Turkey, Mongolia at China matapos namang lumipad kagabi pa China para sa isang working visit.
“Yes, plenty. Turkey and Mongolia and, of course, China,” Duterte sabi ni Duterte sa isang ambush interview sa Hong Kong bago tumulak papuntang China.
Hindi naman nagbigay si Duterte ng mga isyung mapag-uusapan sa bilateral meeting.
Kasabay nito, sinabi ni Duterte na wala pang pinal na detalye kaugnay ng posibleng pagpirma ng labor agreement sa pagitan ng Pilipinas at ng China.
“Even the study itself, I am not posted. It might be dito pa lang ‘yan sa baba. Masyadong… The suggestive substance of what the agreement would be. So it’s all… The ball is in the Department of Labor,” dagdag ni Duterte.
Mula Hong Hong Kong, tumuloy si Duterte sa China kung saan siya mananatili roon hanggang Martes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.