Mocha Uson bumanat sa tumutuligsa sa kanyang pagkakatalaga sa Malacanang
Hong Kong- BUMANAT ngayon si Mocha Uson sa mga bumabanat sa pagtatalaga sa kanya ni Pangulong Duterte bilang Assistant Secretary for Social Media sa ilalim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
“Marami pong nagagalit sa pagkakatalaga sa akin. Wala rang pong kwentang tao, isang dancer lang po na walang alam,” sabi ni Uson sa harap ng mga miyembro ng Filipino Community sa Hong Kong.
Idinagdag ni Uson na sa kabila naman ng mga batikos laban sa kanya, pinagkatiwalaan pa rin siya ni Duterte.
“Tagumpay pang ibig sabihin po noon ang ating pong mga hinaing ay mabilis na maipararating ssa ating gobyerno sa pamamagitan ng social media o Facebook o mismo kay Pangulong Duterte,” dagdag ni Uson.
Nangako pa si Uson na gagawin ang lahat para magampanan ang kanyang trabaho.
“Nagpapasalamat po ako kay President Digong hindi mapaghusga sa kapwa tao. Meron taong Pangiulo na pantay-pantay ang tingin sa mga tao. Walang antas sa buhay, at anuman ang iyong pinagdaanan. Asahan po ninyo na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para walang problemang hindi masosolusyunan basta tayo nagtutulungan,” sabi pa ni Uson.
Nagtanghal naman ang Mocha Girls sa programang inihanda para sa Filipino Community sa Hong Kong.
Tinatayang 800 ang dumalo sa pagpupulong.
Humingi rin ng paumanhin si Uson sa mga Pinoy na hindi nakapasok sa Regal Airport Hotel sa Hong Kong kung saan ginanap ang programa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.