Mundo ng showbiz pinasok na ni Baste Duterte; bibida sa travel show | Bandera

Mundo ng showbiz pinasok na ni Baste Duterte; bibida sa travel show

|May 11,2017
facebook
share this

Mundo ng showbiz pinasok na ni Baste Duterte; bibida sa travel show

- May 11, 2017 - 09:19 PM

BASTE DUTERTE

BASTE DUTERTE

BIBIDA ang  presidential son na si Baste Duterte sa kanyang sariling travel show, na isang eight part adventure-travel-reality TV show na tinawag na Lakbai. Sa isang interview, inamin nya na hindi naman nahirapan na mapapayag siya para gawin ang project. Aniya desisyon daw niya ito at sayang naman din daw ang sahod. “Wala eh, hindi ko na mapigilan kasi, ‘di ba? Nag-decide na lang ako to try show biz,” sey ni Duterte sa isang panayam matapos ang launching ng kanyang show sa  Aracama sa Bonifacio Global City, Taguig City Miyerkules.

“If this doesn’t work out, puwede naman akong umuwi sa Davao,” dagdag pa nito.

“They didn’t convince me. Desisyon ko lang ito. Sayang din naman iyong suweldo. Iyon lang naman iyon,” chika pa ng anak ng pangulo.

Sa unang episode, tampok ang ilang kaibigan ni Baste tulad nina Alexis Lumbatan, S’Boi Malicay at Andrei Aposto. Ayon sa pinakabata sa anak ni President Duterte, camera shy daw siya kaya ninais niyang makasama ang mga kaibigan. Isang special guest din ang makikita bawat episode. Kasama din ang Davaoeño at Youtube sensation Bogart the Explorer na hindi na bago sa pagkakaroon ng travel shows. Ang salitang ‘Lakbai’ ay pinagsamang Visayan phrase na ‘lakaw ta, bai’ na ibig sabihin ay tara na kaibigan. Ito din ay wordplay ng salitang lakbay. Mapapanood na simula May 21 ang “Lakbai”, linggo-linggo sa TV5
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending