5 masamang epekto ng refined carbs | Bandera

5 masamang epekto ng refined carbs

- , May 08, 2017 - 08:00 AM

pasta

MASARAP kumain, pero alam ba ninyo na nakakasama sa kalusugan ang marami sa inyong kinakain, partikular ang tinatawag na refined carbohydrates?

Kabilang sa pinagkukunan ng refined carbohydrates ay ang white flour, white bread, white rice, pastries, soda, snacks, pasta, sweets, breakfast cereals at mga processed foods.

At dahil masarap ngang kumain, kadalasan hindi na alam ng marami na hindi na pala nakakabuti sa kalusugan ang kanilang paboritong kainin.

Narito ang limang dahilan kung bakit kailangang magbawas nang kinakain na refined carbohydrates:

1. Pakiramdam mo ay lagi kang gutom

Kadalasan kapag gutom, kumakain tayo ng refined carbohydrates para maibsan ang ating gutom ngunit wala rito ang kinakailangan nating sustansiya.

Ayon sa pag-aaral, hindi kagaya ng fiber, fat, at protein, madali tayong nagugutom kapag mga refined carbohydrates ang ating kinakain kayat ang ginawa natin ay madalas tayong mag-snack at kumain sa fastfood.

2. Nakakapagpataas ito ng blood sugar

Kapag natunaw na ang kinaing carbohydrates, nagiging asukal ito. Nangangahulugan na ang isang plato ng pasta para sa almusal ay katumbas nang pagkain ng mga matatamis.

Mas malaki ang tsansa na magkaroon ng diabetes dahil sobrang nagagamit ang kapasidad ng i-yong insulin na maaaring magdulot ng mas maraming problema sa kalusugan.

3. Mas madaling madagdagan ang iyong timbang

Hindi naman talaga masama ang carbohydrates sa katawan. Kailangan natin ng carbohydrates para maayos na makapag-perform ang katawan. Ang masama ay ang pagkain nang puno ng refined carbohydrates, na walang fiber at punong-puno ng preservative at sugar.

Mas madaling tumaba ang tao dahil sa mga kinakaing puno ng refined carbohydrates at hindi ito magdudulot ng enerhiya na kailangang sunugin. Bakit? Ayon sa paliwanag, wala kasing fiber ang mga ito kaya ang resulta nananatili lamang ang mga ito sa katawan.

Importante ang fiber para matiyak na inilalabas ng katawan ang mga bagay na hindi kaila-ngan o kung hindi ay mag-reresulta ito sa pagtaba.

4. Hindi ito nakakatulong para i-absorb ang kailangang sustansiya ng katawan

Hindi gaya ng fat, hindi nakakatulong ang refined carbohydrates para ma-absorb ang mga bitamina at minerals mula sa mga pagkaing kinain. Kapag tumaas ang energy level mula sa refined carbs, magpapadala ng mensahe ang katawan sa utak na busog ka na.

Pagkatapos nito, magbabalik ng mensahe ang utak na maaari nang magpahinga ang iyong katawan at pagkatapos nito, hindi na nito kailangang iproseso ang iba pang pagkaing ipinapasok sa katawan.

Nangangahulugang balewala na kung kakain ka pa ng steak, isda at kanin.

5. Hindi ito nakakabuo ng muscles

Dahil nagiging balakid ang carbs para ma-absorb ang kailangan ng katawan, nababawasan ang muscles, kayat hindi makapaglagak ng enerhiya sa katawan na magagamit kung kinakailangan. Ito ang dahilan kung bakit pakiramdam natin ay lagi tayong pagod. Nauubos ang ating lakas sa konting aktibidad lalu na kung tayo ay aakyat ng hagdanan.

Hindi maibibigay ng carbs ang kinakailangan na-ting enerhiya sa pag-eehersisyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung enerhiya ang i-binibigay ng carbs, pangmatagalang lakas naman ang ibinibigay ng fat at iba pang alternatibong pagkain.

Kaya sa susunod na kakain ng pasta, isipin mo muna kung makakatulong ba ang pagkain nito sa iyong kalusugan. — Inquirer.net

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending