Tommy-Ho napilitang maghiwalay dahil may problema sa ‘language’ | Bandera

Tommy-Ho napilitang maghiwalay dahil may problema sa ‘language’

Ervin Santiago |May 06,2017
facebook
share this

Tommy-Ho napilitang maghiwalay dahil may problema sa ‘language’

Ervin Santiago - May 06, 2017 - 12:10 AM

MIHO NISHIDA AT TOMMY ESGUERRA

MIHO NISHIDA AT TOMMY ESGUERRA

“HINDI ko naman naisip na ginamit lang niya ako!” Ito ang pagtatanggol ni Pinoy Big Brother 737 Big Winner Miho Nishida sa kanyang ex-boyfriend na si Tommy Esguerra.

Ito’y matapos kumalat ang chika na ginamit lang daw siya ng dati ring PBB housemate para sa kanyang showbiz career. Naghiwalay ang dalawa pagkatapos na pagkatapos ng kanilang unang serye na Langit Lupa at ang paniwala ng ilang netizens, hindi naman daw talaga minahal ni Tommy si Miho.

Sa episode kahapon ng Magandang Buhay, nagsalita si Miho tungkol sa break-up nila ni Tommy, aniya,

“Sa akin po, parang hindi ko naman po naisip at ayaw ko naman pong isipin na ginamit ako.

Naramdaman ko rin naman po ‘yung love niya sa akin.

“Nagkataon lang po siguro ‘yon. Hindi naman po namin pinlano na after the show ay wala na. So siguro na-timingan lang din,” sey ng single mom.

Hindi raw galit si Miho kay Tommy dahil naniniwala siya na totoong minahal siya ng model-actor, may mga bagay lang daw talaga silang hindi mapagkasunduan, “Wala po (galit). Parang mayroon lang akong tampo sa sarili ko at sa kanya. Parang di lang kasi namin nagawa na magkaintindihan sa language. So, sana naayos namin ‘yon that time at maaayos kung gugustuhin talaga namin kasi language lang (ang problema),” chika pa ni Miho.

“Ang nami-miss ko sa kanya? Siguro ‘yung moment namin na masasaya. Kasi nag-start kami, nakilala ko siya sa PBB. So nag-start kami sa friends. Nakilala ko rin siya, kahit na hindi kami nagkakaintindihan (sa language) ay nagkakaintindihan kami sa kulitan,” sey pa ng dating PBB Big Winner.

Kung may natutunan man daw siya sa naging relasyon nila ni Tommy, napatunayan daw niya na wala talagang perfect na relationhsip, “Kahit sabihin mo na pinakilig namin ‘yung buong mundo, kinilig sila, siyempre tao lang po talaga kami. Pero pagdating ng panahon naniniwala ako na kung talagang kami, kami. Kung hindi, hindi.”

Naniniwala pa rin daw siya sa forever kahit na naghiwalay sila ni Tommy, “Hindi naman porket ngayon na brokenhearted ako ay ayaw kong sabihin na walang forever. Nasa inyo naman ‘yun kung paano niyo iha-handle ‘yun.”

Napaiyak naman si Miho nang matanong tungkol sa anak niyang si Aimi na naging close na rin kay Tommy, “Actually hindi ko pa po nasasabi sa kanya na wala na kami, parang ang hirap. Parang paano?

Hindi ko alam. Pero alam niya ang sitwasyon, kumbaga di na lang siya nagtatanong.”

Pero aniya, ang anak at ang kanyang pamilya pa rin ang nagbibigay ng lakas ng loob sa kanya para patuloy na lumaban sa buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa kanila po ako humuhugot ng lakas, lalong lalo na po sa anak ko. Nandiyan po kasi lagi sila. So malaki ang pasasalamat ko sa kanila,” sey pa ng Kapamilya star.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending