Pagpaparetoke ni Miho Nishida aprubado kay Young JV, pero... | Bandera

Pagpaparetoke ni Miho Nishida aprubado kay Young JV, pero…

|May 15,2018
facebook
share this

Pagpaparetoke ni Miho Nishida aprubado kay Young JV, pero…

- May 15, 2018 - 12:20 AM


HINDI big deal para sa singer-actor na si Young JV ang pagpaparetoke ng kanyang rumored girlfriend na si Miho Nishida na dating housemate ni Big Brother.

Nauna nang inamin ng Kapamilya actress ang ipinagawa niya sa kanyang mukha at dito raw talaga humanga si Young JV. Napatunayan niya kung gaano katapang at katotoo ang dalaga.

“Ang sabi ko sa kanya kung saan ka masaya gawin mo. Huwag mong isipin kung ano ang sasabihin ng iba, kung saan ka masaya, du’n ka. I’ll always be supportive sa kanya, mukhang happy na happy siya eh. Okay na siya doon. Pero sabi ko rin sa kanya okay na yan, ha?” ang sabi ng binatang singer sa panayam ng entertainment writers nang siya’y i-launch bilang bagong endorser ng Megasoft Hygenic Products.

Pero kahit na feeling ng mga tao ay sila na, ayaw pa ring lagyan nina Miho at Young JV ng label ang kanilang relasyon, “Yeah, I guess we can say that, we don’t wanna give labels yet. Ayaw muna naming sabihing, ‘O, tayo na!’ So, I guess sa akin lang, gusto ko na siya muna ang magsalita.”

Dating ka-loveteam ng former PBB housemate ring si Tommy Esguerra si Miho at nagkaroon din sila ng relasyon noon ngunit hindi rin nagtagal. Alam daw ito ni Young JV kaya naiintindihan niya kung may mga namb-bash sa tandem nila ni Miho.

“May fans din siyempre (namba-bash) hindi naman po natin maiiwasan. Wala naman po akong issue sa kanila kaya happy lang ako,” ani JV.

Samantala, bukod sa kanyang singing at acting career, magiging busy din si Young JV sa mga events ng Megasoft bilang bagong endorser ng kumpanyang pag-aari ni Aileen Choi-Go na naniniwalang malaki ang maitutulong ng binata sa mas paglago pa ng kanilang business “with a purpose”. Mag-iikot ngayong bakasyon sa mga paaralan ang binata para mag-share ng kanyang experiences para magsilbing inspirasyon sa mga kabataan.

“Young JV and Megasoft share the vision of inspiring the youth. His contagious energetic performances would not only serve as a needed break to the hardworking students but also re-energize them when they return to school,” sabi ni Ms. Aileen.

Ngayong taon, balak ipagpatuloy ni Young JV ang kanyang communication arts course na medyo naisantabi muna dahil sa pagpasok niya sa showbiz. “I want to go back to school for myself and my parents who really would want me to have a diploma,” ani Young JV.

Ngayong darating na May 27, bibisita siya sa Gaisano Grand Antique. Sa June 14 naman ay nasa Butuan City siya para sa Naligayan Festival at sa July 16, bibisita siya sa Ororama Carmen, Cagayan de Oro City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending