Miho Nishida nag-sorry sa TommyHo fans | Bandera

Miho Nishida nag-sorry sa TommyHo fans

|May 04,2017
facebook
share this

Miho Nishida nag-sorry sa TommyHo fans

- May 04, 2017 - 12:30 AM

miho at tomi

ILANG araw pagkatapos magsalita ng dating PBB housemate at bagong Kapamilya hunk na si Tommy Esguerra, nagpaliwanag na rin ang dati niyang girlfriend na si Miho Nishida tungkol sa kanilang break-up.

Nagkakilala sina Miho at Tommy sa PBB 737 noong 2015 kung saan na-develop ang feelings nila sa isa’t isa at pagkalabas nga nila ng Bahay ni Kuya ay magdyowa na sila. Hanggang sa umamin na si Tommy na naghiwalay na sila ni Miho kasabay ng paghingi ng sorry sa kanilang mga tagasuporta.

Idinaan naman ni Miho sa Twitter ang mensahe niya sa kanilang followers, at tulad ng kanyang ex-BF, nag-apologize rin siya sa ToMiho fans.

“Hello! guys! Pasensya na po kayo kung ngayon lang ako nagsalita. Alam ko po na naiintindihan niyo po ang pinagdadaanan ko. Sa mga fans po nagmahal at nagtiwala po sa aming dalawa ramdam ko po yung lungkot na nararamdaman niyo at humihingi po ako ng paumanhin.

“Lubos po akong nagpapasalamat sa ibinigay niyo pong suporta mula sa simula.

“Wish ko po sana na suportahan niyo po kami sa kanya kanyang landas na tatahakin namin.

“Muli po akong nag papasalamat sainyo. Maraming maraming salamat po. Mahal ko po kayong lahat. #TuloyPaRinAngBuhay!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending