ANDAMI kong pagod. Kaya naman gusto kong mag-beach para mag-relax. Kung hindi man lalangoy ay nakaupo lang at tinatanaw ang mga alon na humahampas sa dalampasigan.
Kapag na-relax ay makakapagtrabaho na ulit nang maganda dahil nakapahinga hindi lamang ang katawan kundi maging ang utak.
Saang beach nga kaya magandang pumunta?
Dominican Republic
Kung ang type mo ay tahimik ay malinis na beach, pasyal na sa La Minitas na ipinagmamalaki ng Dominican Republic.
Ang La Minitas ay isang private beach kung saan maaari ang maraming water sports gaya ng kayaking, snorkelling, hobie cats, paddleboats at windsurfers.
Hindi maalon ang tubig ng white sand beach na ito.
Kung gusto mong magpahinga ay pwede kang magpa-massage sa open-air pavilion.
Try mo rin ang piña coladas na gawa sa lokal na pinya.
Kung food naman ang type mo ay hindi pahuhuli ang kanilang mga pagkain na gawa ng mga chef mula sa sikat na Le Cirque ng New York.
Pilipinas
Maraming beach sa Pilipinas pero iba talaga ang white beach ng Boracay.
Patuloy na dinarayo ito ng mga foreigner lalo na ang mga mahilig magpa-tan.
Buhay na buhay din ang isla kapag gabi dahil sa dami ng gimikan.
Dahil nasa tabi ng dagat ay maaaring mag-enjoy sa sea food. Pwedeng ikaw ang magluto, luto na, o ipaluto.
Marami ring water activates na pwede rito. Kung marami kang budget, mas marami kang maaaring gawin.
Isa ang Boracay sa lugar ng bansa kung saan dumadagsa ang mga turista, lokal man o foreign.
Maaari ka ring tumawid sa main island para maranasan naman ang kultura ng kanilang probinsya.
India
Makapagre-relax ka rin sa Palolem Beach sa India.
Maaari kang mamili kung saan ka tutuloy. Pwede sa basic room para sa mga medyo tight ang budget at pwede rin naman na sa pinakamahal na kuwarto na tiyak na mamamangha ka at mare-relax.
Kapag nasa tubig ka ay makakasabay mo namang lumangoy ang mga dolphin sa lugar.
Baka type mo ring tikman ang pagkain nila o kung ayaw ay pwede nag-aalok din sila ng authentic na Italian pasta at pizza.
Hindi mo rin poproblemahin ang pag-inom ng alak dahil legal ito doon.
Marami ang sumusubok at umuulit sa pag-inom ng Kingfisher beer na kanilang produkto.
Thailand
Sikat ang May Bay sa Thailand.
Mas lalong nakilala ang lugar dahil sa pelikulang The Beach ni Leonardo Dicaprio noong 1999.
Gaya ng ibang beach, puti ang buhangin dito at napaliligiran ng malalaking limestone at coral reef.
Kasama ng makukulay na coral ang mga exotic fish na nakatira sa lugar.
Madaling puntahan ang lugar mula Nobyembre hanggang Abril dahil hindi maalon ang dagat.
Libu-libo ang dumarayo sa lugar kaya crowded ang lugar.
Marami ang pumupunta para panoorin ang paglubog ng araw habang nakasakay sa bangka. Relax, di ba?
Australia
Nakahiwalay sa main island ang Whitehaven Beach sa Australia kaya kailangan mong magbangka para makapunta roon.
Pinupuntahan ito ng mga turista na nais na mamangha sa kalikasan. Mababaw ang tubig sa kulay puting beach at tahimik ang tubig ng dagat.
Kung kulay puti ang buhangin, ang dagat naman ay turquoise, asul ang ulap at nagdadala ng kinang ang araw.
Bukod sa mga water activities, patok din ang helicopter ride upang makita ang isla mula sa himpapawid.
Greece
Kung gusto mong makita ang kagandahan ng Navagio Beach sa Greece, kailangang umakyat ka sa tuktok nito.
Mula roon ay matatanaw ang maputing buhangin sa dalampasigan na kilala sa Europa.
Marami kang pagpipiliang water activities. Pwedeng scuba-diving, snorkeling at kung gusto mo kahit na hiking at pwede dahil sa matataas na limestone cliff ng lugar.
Ang Navagio beach ay mapupuntahan sa pamamagitan ng bangka.
Mexico
Hindi lamang mage-enjoy sa tubig ang mga pupunta sa Tulum Beach sa Mexico.
Mamamangha rin sila sa natatanging kuwento mula sa sinaunang panahon ng mga Malay pa nakatira roon. Sinasabing ang mga Malay ruins na nasa lugar ay itinayo noong AD 250.
Masyadong pribado ang beach na ito kaya hindi problema kung ayaw mong maglagay ng saplot sa iyong katawan.
Ang Tulum ay dalawang oras lamang by land mula sa Cancun international airport.
Spain
Hindi lamang ang beach ng Playa Des Cavallet sa Spain ang ipinagmamalaki ng lugar.
Ito rin ang itinuturing na party capital ng Europe. Ito rin ang isa sa “most gay-friendly destination” sa mundo.
Ang lugar ay itinuturing din na isa sa mga naturalist beaches sa isla kaya binabalik-balikan ito ng mga turista.
Hawaii
Napaliligiran naman ng bundok ang Hanalei Bay Beach sa hawaii.
Kapag umaga, ang dagat ay parang salamin ng mga bundok.
Ang lugar ay isa sa mga pinapangarap na puntahan ng mga surfer dahil itinuturing itong tahanan ng mga world champion surfers.
Ang mga pangangailangan ng bawat turista ay maibibigay ng lugar.
Tahiti
Hindi naman magpapaiwan ang Bora Bora beaches ng Tahiti.
Ang Tahiti ay mayroong 118 isla kaya naman hindi kasya ang isang araw mo para mapagmasdan ang kagandahan ng mga ito.
Isang oras na biyahe sa eroplano mula sa Moorea ang kailangan para marating ang lugar.
Kapartner ng puting buhangin ang kulay emerald na tubig at mga isda na iba’t ibang ang kulay at laki na naninirahan sa mga coral sa paligid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.