Ika-3 world title nakubra ni Nietes | Bandera

Ika-3 world title nakubra ni Nietes

Angelito Oredo - April 30, 2017 - 10:01 PM

NAKISALO si Donnie “Ahas” Nietes sa matinding samahan kasama nina Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao at Nonito Donaire, Jr. bilang pangatlong Pinoy na nakasikwat ng tatlong world professional boxing crown.

Tinalo ng 34-anyos at tubong-Murcia, Negros Occidental kamakalawa ng gabi si Komgrich Nantapech ng Thailand sa pamamagitan ng unanimous decision sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City upang madaklot ang bakanteng International Boxing Federation (IBF) flyweight title.

Matatandaan na naging world eight division champion ang 38-anyos at tubong-Kibawe, Bukidnon na senador na ngayon na si Pacquiao samantalang ang residente ng Estados Unidos at 34-taong-gulang na isinilang sa Talibon, Bohol na si Donaire ay naka-apat ng pandaigdigang korona.

Mas naging epektibo ang kilala sa tawag na Ahas at ALA Boxing Gym star sa patama ng mga suntok sa matibay na Thai pug na nakipagsabayan sa kanya hanggang sa huling pagtunog ng bell.

Ibinigay ng tatlong hurado ang tagumpay kay Nietes sa pamamagitan ng mga score cards na 115-113, 117-111 at 117-111 para sa itala ang 40 panalo, 1 talo at 4 na tabla na nilakipan ng 22 sa tagumpay sa pamamagitan ng knockout.

Maliban sa nahablot na IBF flyweight diadem, si Nietes ay naging World Boxing Organization minimumweight champion noong 2007-2008, at naging WBO light flyweight king noong 2011-2016.

Lumagpak naman ang ring record ni Nantapech sa 22 panalo at 4 talo na may 16 KOs.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending