Malungkot ang nag-iisa | Bandera

Malungkot ang nag-iisa

Joseph Greenfield - April 30, 2017 - 01:56 PM

Sulat mula kay Tina ng Banate, Malungon, Sarangani Province
Dear Sir Greenfield
Nakakalungkot po ang buhay ko kung iisipin, kasi tatlo kaming magkakapatid na puro babae, tapos ako ang panganay. Maagang nawala ang tatay ko kaya napilitan akong magworking student at pagkatapos ay pinag-aral ko sa college ang mga kapatid ko. Nang makatapos na sila ng pag-aaral, nagsipag-asawa na sila at nagkaroon ng kanya-kanyang pamilya habang ako naman ay nanatiling dalaga. Nalibang siguro ako sa pagtuturo kaya nadatnan ko na lang na matanda na ako sa edad na 41 na sa ngayon. Gusto ko sanang mag-asawa at magkaroon ng makakasama, kasi ngayon ko nararamdaman ang sobrang lungkot na mag-isa. Sa palagay nyo Sir Greenfield makapag-aasawa pa kaya ako? Kung Oo, kailan kaya at kapag ako nakapag-asawa magkaka-anak pa kaya ako? June 30, 1975 ang birthday ko.
Umaasa,
Tina ng Sarangani Province
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Buti na lang at may namataang kaisa-isang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na hindi ka dapat mainip, dahil kahit na 41 ang iyong edad sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, tiyak ang magaganap, magkaka-boyfriend ka rin sa wakas at maluwalhating makapag-aasawa.
Cartomancy:
Jack of Clubs, Nine of Hearts at Queen of Clubs (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing sa buwan ng Setyembre sa taon ding ito 2017, magkaka-boyfriend ka na hatid ng isang lalaking halos kasing edad mo rin o kaya’y medyo mas bata sa iyo.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending