Warning kay Coco: Wag na wag papasok sa politika | Bandera

Warning kay Coco: Wag na wag papasok sa politika

Ambet Nabus - April 29, 2017 - 01:15 AM

COCO MARTIN

COCO MARTIN

MUKHANG this year na magkakaroon ng katuparan ang isa sa mga pangarap ni Coco Martin.
Ito ay ang maging direktor ng sarili niyang pelikula. Tuloy na tuloy na nga ang pagbabalik ng “Panday” sa big screen na gagampanan this time ni Coco. May go signal na ang creator nitong si direk Carlo J. Caparas para sa bagong movie version nito at naniniwala siyang bagay na bagay kay Coco ang nasabing role.

Sa 2018 pa magtatapos ang FPJ’s Ang Probinsyano (sorry pero medyo tumigil muna kami ng panonood dahil ang feeling namin ay nauulit lang ang mga subplots ng soap) kaya double FPJ project ang gagawin niya ngayon.

Ito’y patunay lang na ang yapak nga ng Hari ng Pelikulang Pilipino ang nais sundan ni Coco, pero siyempre sa departamento ng husay sa pagganap at pagiging mapangahas sa mga naging indie roles niya, iba pa rin ang Coco Martin. But let us make it clear, iisa lang ang Da King at kahit 10 Coco Martin pa ang isilang, never na nilang mapapantayan ang nag-iisang hari.

But then again, bakit nga naman hindi, di ba kapatid na Ervin? Punumpuno naman ng karapatan si Coco na gusto lang marahil patunayan na isa siyang dedicated artist at seryosong tao. Huwag lang niya sigurong ambisyunin din ang pulitika, noh dahil siguradong maiiskandalo lang ang buhay niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending