Gilas Pilipinas, PBA Luzon All-Stars magtutuos ngayon sa Lucena | Bandera

Gilas Pilipinas, PBA Luzon All-Stars magtutuos ngayon sa Lucena

Melvin Sarangay - , April 28, 2017 - 12:10 AM

Laro Ngayon
(Quezon Convention Center)
7 p.m. Skills Challenge
7:30 p.m. Luzon All-Stars vs Gilas Pilipinas

MAY isa pang laro si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes para pag-isipan kung sino ang isasama niya sa huling 12-man roster ng National team na pipiliting magwagi sa 2017 Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Championship sa Mayo 12-18.

Ang ikalawang batch ng Gilas pool ay mapapasabak ngayon sa aksyon laban sa PBA Luzon All-Stars sa Quezon Convention Center sa Lucena City, Quezon at pupunan na ni Reyes ang nalalabing tatlo pang puwesto na kukumpleto sa kanyang roster na sasamahan sina June Mar Fajardo at naturalized center Andray Blatche.

Ang alas-7:30 ng gabi na laro ay ang ikalawa at huling laro para sa national pool bago ianunsyo ni Reyes ang Gilas Pilipinas Seaba lineup matapos ang nasabing laban.

Nauna nang sinabi ni Reyes na may napili na siyang walo hanggang siyam na manlalaro at ang pagpili sa nalalabing tatlo ang maituturing na mahirap na desisyon para sa kanya.

Sina Allein Maliksi, ang streak-shooter ng Star Hotshots na pumalit kay Paul Lee sa pool, at ang 6-foot-7 center Raymund Almazan ang mamumuno sa Gilas kontra PBA Luzon All-Stars. Makakasama nina Maliksi at Almazan sina Ed Daquioag, Jonathan Grey, Almond Vosotros, Arnold Van Opstal, Matthew Wright, Kevin Ferrer, Mike Tolomia, Bradwyn Guinto at Norbert Torres.

Ang unang batch ng pool members ay nakahirit ng tabla sa PBA Mindanao All-Stars noong Miyerkules ng gabi, 114-114, sa laro na nagbigay kay Reyes ng pagkakataon para makita kung sino ang karapat-dapat na isuot ang kulay ng Pilipinas sa SEABA Championship na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Ang Seaba ay kailangang ipanalo ng Gilas para makapasok sa susunod na bahagi ng 2019 World Cup qualifiers.

Kabilang sa napipisil na makakapasok sa 12-man lineup ng Gilas sina Terrence Romeo, Calvin Abueva at Jason Castro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending