Nagbabayad sa NHA kumonti dahil sa 'libreng pabahay' ng Kadamay | Bandera

Nagbabayad sa NHA kumonti dahil sa ‘libreng pabahay’ ng Kadamay

Leifbilly Begas - April 25, 2017 - 07:33 PM

  Kadamay-members-in-Bulacan Lalo pang bumaba ang mga nagbabayad sa pabahay ng National Housing Authority matapos ang ginawang pag-take over ng mga miyembro ng Kadamay sa pabahay sa Pandi, Bulacan.     Ayon kay House committee on housing and urban development at Negros Occidental Rep. Albee Benitez  dati ng maliit na ang koleksyon ng NHA pero mas lalo pa itong lumiit matapos igiit ng Kadamay na magkaroon ang mga ito ng libreng pabahay.     Kung dati ang collection efficiency ng NHA ay 30 porsyento, nabawasan pa umano ito ng kalahati.     Iginiit ni Benitez na hindi maaaring libreng ibigay ng gobyerno ang pabahay.     Ang nakokolekta umano ng NHA mula sa mga kumukuha ng pabahay nito ay dapat ginagamit upang muling makapagtayo ng mga bagong bahay para sa mga nais na magkaroon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending