Bagyong Dante papasok ng PAR | Bandera

Bagyong Dante papasok ng PAR

Leifbilly Begas - April 25, 2017 - 03:14 PM
pagasa Bahagyang lumihis ang binabantayang tropical depression ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.       Kagabi inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility ang sama ng panahon na tatawaging Bagyong Dante.       Unang inakala na papasok ng PAR ang bagyo noong Lunes ng gabi.       Kahapon ng umaga, ang bagyo ay nasa layong 1,300 kilometro sa silangan ng Visayas— labas ng PAR.     Mayroon itong hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras ang bilis malapit sa gitna at pagbugsong 65 kilometro bawat oras.     Umuusad ito pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 11 kilometro bawat oras.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending