Makakasampa na sa barko sa buwan ng Mayo (2)
Sulat mula kay Jerald ng Subang, Mandaue City, Cebu
Problema:
1. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung kailan kaya ako susuwertehin na makapag-barko? Matagal na akong gradueyt ng kursong Marine Transportation ang kaso hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkapagta-trabaho. Masipag naman akong mag-aplay kaya lang puro tatawagan daw ako pero hindi naman ako tinatawagan.
2. Sir sa palagaw nyo sa edad kong 27 na sa darating na May 28, may pag-asa pa kaya akong makasampa sa barko? At kung makakasampa pa ako sa barko, kailan naman kaya ito mangyayari?
Umaasa,
Jerald ng Mandaue City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 2.) ang nagsasabing pagpasok na pagpasok ng buwan ng Mayo sa taon ding ito ng 2017 sunod-sunod na suwerte ang kusang darating. Oo, hindi lang sa career, kundi pati na rin sa love life ay susuwertehin ka na rin at sa lahat ng aspeto ng iyong buhay lalong-lalo na sa aspeto ng pananalapi.
Numerology:
Ang birth date mong 28 ay nagsasabing sa taon ding ito ng 2017, sa edad mong 27 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pagba-barko na itatala sa iyong kapalaran.
Graphology:
Upang lubusang magkatotoo ang mga positiong pag-aanalis sa itaas, mas mainam kung hahabaan mo ang pinaka-krokes ng letrang “t” sa iyong pirma. Sa ganyang lagda, magtatagumpay ka na at tuloy-tuloy na uunlad at magiging maligaya.
Huling payo at paalala:
Jerald ayon sa iyong kapalaran, habang namumulaklak ang mga halaman sa buwan ito ng Mayo, kusa ng matutupad ang pangarap mong maka-sampa sa barko at ang pagba-barko na ito ang siya na ring magiging simula at magiging hudyat upang tuloy-tuloy kang umunlad at habang buhay ng umasenso at sa bandang huli, lubusan na ring uunlad ang iyong kabuhayan at ang kabuhayan ng itatayo mong pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.