Concert ni Erik Santos sa Solaire waging-wagi | Bandera

Concert ni Erik Santos sa Solaire waging-wagi

Cristy Fermin - April 10, 2017 - 12:25 AM

erik santos

SA unang pagkakataon ay napasok din namin ang City Of Dreams Hotel & Casino. Napakatagal nang pinagkukuwentuhan ‘yun ng mga kaibigan namin pero nganga kami sa kanilang usapan, kasi nga ay wala naman kaming maidadagdag na kuwento, wala kaming alam sa itsura ng COD.

Pero dahil kay Wendell Alvarez na napakagala sa mga ganu’ng lugar ay natupad ang pangarap ng aming bunsong si Bulak na marating ang Dream Play.

Napakalawak ng lugar, ang dami-daming banyaga, maingat ang pamunuan sa pagpapapasok dahil naglipana ang mga guwardiyang may hila-hilang K-9.

Napadpad kami du’n nina Japs Gersin at Tina Roa kasama si Bulak dahil sa panonoorin naming concert ni Erik Santos sa Solaire Resort & Casino. E, maaga pa, hiniling namin kay Wendell na i-tour kami nito sa COD at Okada Hotel.

Isang gabi ‘yun na hindi nakapanghihinayang dahil umuwi kaming busog na busog ang tenga dahil sa galing mag-concert ni Erik Santos.

Panalung-panalo para sa amin ang mga kompositor na Pilipino na hindi kalimut-limot, mula sa umpisa hanggang sa pinakahuli niyang piyesa ay wala kang ibang pamimilian kundi ang saluduhan-palakpakan ang napakagandang boses ni Erik Santos.

Magaling na ang bida ng concert ay nagpalutang pa ng galing ang kanyang mga guests na sina Ogie Alcasid, Yeng Constantino, Jovit Baldivino, Bugoy Drilon at Marcelito Pomoy.

Hindi namin inidlipan ang concert na karaniwang nangyayari kapag nanonood kami. Sayang kasi ang bawat production number kung mapalalampas namin. Maayos ang direksiyon, script at daloy ng concert na si Erik Santos mismo ang nag-effort.

Maligayang bati sa Cornerstone Entertainment, ang humawak sa career ng mga performers, ito na ang masasabi naming pinakamagandang concert na aming nasaksihan dahil sa pinag-isipan nilang konsepto.

Maligayang bati siyempre kay Erik Santos na tuwing panonoorin namin ay wala sa bokabularyo ang pambibigo sa kanyang mga tagapanood.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending