Erik Santos nagbago pananaw sa kamatayan nang pumanaw ang mga magulang
BIGLANG nagbago ang pananaw ng Kapamilya singer na si Erik Santos pagdating sa usaping kamatayan mula nang pumanaw ang kanyang mga magulang.
Magkasunod na sumakabilang-buhay ang tatay at nanay ni Erik dahil sa cancer — unang namaalam ang kanyang ina noong November, 2022 habang August last year naman pumanaw ang kanyang ama.
“Feeling ko hindi na ako ‘yung same person in a way na parang nag-iba ‘yung outlook ko sa buhay. The way I see things, ‘yung perspective ko about life and even death, nag-iba talaga siya,” pahayag ni Erik sa panayam ni Bianca Gonzalez sa online show na “BRGY” ng TFC.
Baka Bet Mo: Jessy kontra noon sa pagpasok ni Luis sa politics: Hihiwalayan kita!
“Siyempre na-witness ko ‘yung journey noong magulang ko, eh. Up until their last breath, I was there, katabi nila. So it was a blessing, it was a big blessing for me na nandu’n ako sa tabi nila.
View this post on Instagram
“Pero it was also traumatic in a way kasi it keeps replaying sa head mo lalo na kapag mag-isa ka and it’s not easy,” sabi pa ni Erik.
“Parang sinasabi nila huwag mo na lang isipin. It’s easier said than done. Kaya mas natutuwa ako kapag nakakausap ako ng mga taong same situation as mine kasi mas naiintindihan nila kung saan ako nanggagaling,” katwiran pa ni Erik.
Natanong din si Erik kung naniniwala ba siya sa five stages of grief – Stage 1. Denial; Stage 2. Anger; Stage 3. Bargaining; Stage 4. Depression; and Stage 5. Acceptance.
“Well kung tatanungin mo ako as we speak now, parang hindi ko masyadong pinagtutuunan ‘yung stages of grief lalo na kapag nagkakaroon ako ng pagkakataon to talk to someone who has the same situation as mine.
“Parang for me, ‘yung grieving kasi, hindi siya proseso lang. For me ‘yung grieving is way of life mo na, kasama na siya sa buhay mo.
“Naniniwala ako na kung gaano ka naggri-grieve, ganun din ‘yung laki ng pagmamahal mo doon sa taong nawala sa buhay mo.
Baka Bet Mo: Bianca Umali hindi na takot mamatay mula nang pumanaw ang ama’t ina: ‘Kasi makikita ko na sila ulit’
“Like minsan feeling ko okay na ako but there are moments in my life na parang nagba-back to zero ako. Parang same feeling, but much, much harder. And talagang sobrang painful pa rin,” paliwanag niya.
Hanggang ngayon daw ay tinatanong pa rin ng binata sa kanyang sarili kung ano kaya ang sitwasyon niya ngayon kung buhay pa rin ang kanyang mga magulang.
View this post on Instagram
“Tapos magre-replay sa utak mo ‘yung mga nangyari, then parang you will just find yourself again, nandu’n ka na naman nagmumukmok, iniisip mo na what if buhay pa sila?
“What if ito ‘yung ginawa mo? What if hindi naging ganito? Ang daming ganun pa rin. After two years, magto-two years ng wala si nanay, same pa rin, eh,” aniya.
Sabi ni Erik, sa gitna ng mga pinagdaraanan niyang pagsubok sa buhay, kahit paano’y gumagaan daw ang pakiramdam niya kapag nagpe-perform.
“Since dati pa naman, I really love what I do, eh. Kapag nasa stage ako it’s like I’m home, so kapag nasa stage ako feeling ko parang mas napu-fuel ako.
“Nadadagdagan ‘yung strength ko bilang isang mang-aawit kasi through my songs, through my performances, doon ko naibibigay o nailalabas ‘yung mga feelings at emosyon na minsan hindi ko nasasabi through words pero nasasabi ko at naibabahagi ko through my songs,” pahayag pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.