Dalawang beses nagka-aberya ang Metro Rail Transit Line 3 kaninang umaga.
Ayon sa service status ng MRT 3, nagka-aberya ang north bound train ng MRT alas-8:22 ng umaga. Kinailangang pababain ang mga pasahero sanhi ng technical problem sa Magallanes station. Inilagay ito sa Category 3 na nangangahulugan na inalis ang tren ng walang naging kapalit. Alas-10:53 naman ng pababain ang mga pasahero sa Magallanes station na pa-north bound. Inilagay naman ito sa category 2 na nangangahulugan na inalis ang tren pero mayroong naging kapalit. Mula Abril 1 ay apat na beses ng nagkaaberya ang MRT 3.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending