Alvarez inaming may mga anak sa iba't-ibang babae | Bandera

Alvarez inaming may mga anak sa iba’t-ibang babae

Leifbilly Begas - March 31, 2017 - 04:51 PM

alvarez

May pagkapilyo umano si House Speaker Pantaleon Alvarez kaya hindi lamang iisa ang babae na kanyang naanakan.
Ayon kay Alvarez mayroon siyang walong anak at hindi iisa ang nanay ng mga ito.
“Konti,” sagot ni Alvarez sa panayam sa telebisyon ng tanungin kung siya ay pilyo.
Sa panayam naman sa radyo sinabi ni Alvarez na mayroon siyang ibang anak bukod kay Atty. Paula Alvarez na ngayon ay assistant secretary ng Department of Finance.
“Ganito kasi yun para hindi na kayo mahirapan. Noong first marriage ko, meron kaming dalawang anak. Sa second, apat tapos meron pa, dalawa,” ani Alvarez.
Hindi naman inisa-isa ni Alvarez kung ano ang pangalan ng mga ito at kung sino ang kanilang mga ina.
Sa kasalukuyan, ang kinakasama ni Alvarez ay si Jennifer Vicencio.
Ang kanya namang legal na asawa na si Emily ang pangulo ng Congressional Spouses Foundation Inc.
Kamakailan ay inalisan ni Alvarez ng opisina ang CFSI sa gusali ng Kamara de Representantes dahil kailangan umanong gamitin sa ibang bagay ang espasyo na kanilang inuukupa sa main building.
Sinabi ni Alvarez na matagal na silang hindi nagsasama nito.
Ayon sa mga ulat, nakaaway ni Cathy Binag, girlfriend ni Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo si Vicencio sa Masskara Festival. Magkaibigan si Binag at Emily.
Itinanggi ni Alvarez na ito ang dahilan kung bakit pinaiimbestigahan niya si Floirendo kaugnay ng kontrata ng kanyang kompanyang Tagum Agricultural Development Company Inc. sa Bureau of Corrections.
Iginiit ni Alvarez na lugi ang gobyerno sa kontrata dahil inuupahan lamang ng halagang P5,000 kada hektarya ang lupa ng BuCor na may laking 5,308 hektarya sa halip na P25,000 gaya ng halagang pag-upa sa ibang lupa sa lugar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending