Erik Santos, manager, kinasuhan ng libel si Jobert Sucaldito | Bandera

Erik Santos, manager, kinasuhan ng libel si Jobert Sucaldito

|March 31,2017
facebook
share this

Erik Santos, manager, kinasuhan ng libel si Jobert Sucaldito

- March 31, 2017 - 04:11 PM

INASUNTO ng singer na si Erik Santos at ng manager nitong si Erickson Raymundo ang radyo host at talent manager na si Jobert Sucaldito ng kasong libel dahil sa serye ng post nito sa kanyang Facebook account at sa radio show nito sa ABS-CBN na “Mismo” hinggil sa pagiging bading umano ng singer.

Sa report ng ABS-CBN, nagsampa ng reklamo sina Santos at Raymundo nitong Huwebes sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Ito ay base sa ilan diumanong nakakasisirang post ni Jobert hinggil sa sekswalidad ni Santos, na ginawa nang pa-blind item.

Ayon sa reklamo, sinira diumano ni Robert ang pangalan di lamang ni Santos kundi ng Cornerstone Entertainment at ng manager na si Raymundo.

Sa isang Facebook post naman, shinare ni Jobert ang kanyang official statements tungkol sa pangyayari.

“Ito na lang ang gusto kong maging official statement ko regarding the overwhelming cases filed against me by Mr. Erickson Raymundo and Mr. Erik Santos sa QC para di ko na isa-isahing sagutin ang mga friends natin from the media re my reaction.

“Yes, nakarating na po sa akin ang balitang sinampahan ako ng sandamakmak na kaso ng mag-talent/manager na Erik Santos and Erickson Raymundo sa Quezon City court kaninang umaga. Nagsimula lang ito sa gulo namin ni Erik Santos who happens to be the artist of Cornerstone na pag-aari ni Erickson. When I posted something dito sa FB page ko regarding my hinaing, in-elevate agad ito ni Mr. Erik Santos sa management ng ABS-CBN by writing to them a complaint letter against me hanggang sa ma-suspend ako from radio anchoring sa Mismo program namin ni Papa Ahwel Paz (pinag-Vacation Leave With Pay ako). Hangga’t hindi raw ako nagbibigay ng explanation regarding our issue, hindi ako makakabalik sa show siyempre. They will take it from there. Anyway, ang sa ganang akin lang naman, it’s anyone’s right to go to court if he thinks his rights are violated and kahit maliit na nilalang lang ako sa mundo, haharapin ko ito at lalaban nang patas.”

Ikinalungkot daw nya na ang pagsama ng ilang showbiz personality na sina Jaya, Sam Milby at K Brosas nang mag-file ng complaint si Erik Santos at ng manager niya.

“Kahit mahirap lang ako, mag-iipon ako ng konti para meron akong ipambayad sa aking abogado para madepensahan naman ang panig ko, di ba? Ang ikinalulungkot ko lang ay kung bakit kailangan pang sumama sina Sam Milby, Jaya and K Brosas sa dalawa when they filed the case. Dito ako mas nasaktan – ano kaya ang nagawa kong kasalanan kay K Brosas na even before siya nagpa-manage kay Erickson Raymundo ay minahal ko siyang parang anak-anakan dahil alaga siya ni Kuya Boy Abunda before? Kay Jaya naman, it’s a common knowledge na sobrang minahal ko ang kaniyang namayapang inang si Mama Elizabeth Ramsey even during the last hours of her life – itinuring akong parang sariling anak at sobrang minahal ko. Si Sam Milby naman – it’s very painful for me to see him support them in this filing of cases against me.”

“I’d like to understand them na lang – na kaya nila nagawa ito dahil maaaring kinausap sila ng manager nilang samahan sila or kung bukal man sa kalooban nilang ipakita ang suporta nila against me, I don’t know how to understand it now. Dito ako mas nasasaktan. Pero yung sa kaso, haharapin ko ito at ilalaban hanggang sa kahuli-hulihang sandali ng buhay ko. Imagine, in full force daw silang lahat with matching bodyguards pa nang pumunta sa korte.”

“Mabuti na lang at wala roon sina KZ Tandingan. Richard Poon and Pooh na sobrang mahal ko rin na mga alaga rin ng Cornerstone. And even if they will give their full support sa dalawang complainant, pilit kong uunawain. Ganoon talaga ang buhay sa showbiz. Hihintayin ko na lang ang documents re these cases they filed against me para makapag-submit naman kami ng lawyer ko ng aming counter-affidavit. Maraming salamat po sa inyong lahat.”

Nagpost din ang singer na si Yeng Constantino tungkol sa isyu at kumampi ito kina Erik Santos kasabay ang picture nilang dalawa ng manager na si Erickson.

“I remember nung di ko pa manager si Kuya Erickson, nakakasama ko palang sya sa isang bible group kung saan ako umaattend. Di ko makakalimutan yung mga pag gabay, pagpapaalala at pagmamalasakit nya sakin noon.”

“Dumating yung time na sabi ko sa sarili ko na gusto ko syang maging Manager, kaya lumapit ako sa Star Magic at humingi ng permiso magpaco-manage at pumayag naman sina Mr. M. Hiyang-hiya pa ako noon pero nilakasan ko ang loob ko at kinausap ko si Kuya Erickson at sinabi ko ang hangad ko. Sobrang grateful ako kasi kinupkop nya ako sa Cornerstone Family. He prophesied so many things in my life/career and inspired me to dream BIGGER. Malaki ang utang na loob ko sa taong ito. Napakabuti nya saming mga alaga nya sa CS Fam at sa mga kaibigan nya kaya naman hindi kailangan ng pilitan basta sa pagsuporta sakanya.

“Kuya Erickson @visionerickson SALAMAT po sa lahat. Kami po ay ang susuporta sayo sa laban mo. Mahal ka po namin. We are praying for you!”

Hindi naman ito pinalampas ni Jobert at sinagot agad ang singer.

“Ms. Yeng Constantino, di kita pinipigilan sa pagsuporta mo sa manager mong si Erickson Raymundo pero huwag kang makisawsaw sa gulo namin dahil di mo alam ang pinangagalingan ng lahat ng ito. Kung gusto mong sumali sa gulo, just let me know. Ang ayusin mo ay ang pagpapakulay lang ng buhok mo and nothing more, naintindihan mo? Puro kayo dasal at pa-Bible-Bible but you don’t walk your talk. Tigilan mo ako.”

Sa ngayon, deleted na ang mga ‘blind item’ status ni Jobert sa kanyang Facebook account

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending