Sa mga Mercury Drug sales clerks: ngumiti naman
BINATIKOS ng media ang aking kapatid na si Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo dahil sa kanyang apela sa media na i-tone down ang mga reports ng extra-judicial killings (EJKs) dahil nakaka-apekto sa turismo sa ating bansa.
Kung ako si Wanda, ang aking sagot sa mga reporters sa tanong kung anong masasabi ko sa mga EJKs ay hindi mag-apela na dahan-dahan ang pag-ulat sa mga ito dahil di naman siya pakikinggan.
Trabaho ng media na i-report ang mga di pangkaraniwang mga pangyayari gaya ng patayan at hindi sila puwedeng pigilan.
May kasabihan sa journalism na kapag ang tao ay kinagat ng aso, ito’y hindi balita; pero kapag ang aso naman ang kinagat ng tao, ito’y balita dahil hindi ito pangkaraniwan.
Ang sagot ko sana kung ako ay naging si Tourism Secretary Wanda ay ligtas na ang ating mga lansangan sa mga law-abiding citizens at foreign tourists dahil madalang na lang ang mga masasamang-loob.
Patay na ang mga taong nanghohold-up at walang awang pumapatay kapag nanlaban ang kanilang biktima dahil sila’y nasa impluwensiya ng droga.
Patay na rin ang mga pushers na walang pakialam sa masamang idinudulot ng droga sa kanilang mga customers: mga ama na nanggagahasa ng kanilang sariling anak; mga adik na nagnanakaw sa mga kabahayan dahil kailangan nilang suportahan ang kanilang bisyo; mga maliliit na magsasaka na ninanakawan ng mga adik ng kanilang baboy, kambing at manok sa mga baryo.
Ang pagkatakot ng mga kriminal na sila ang susunod ang nagpababa ng kriminalidad sa buong bansa, iyan sana ang sasabihin ko sa mga reporters kung ako si Wanda.
Yung mga napatay sa war on drugs ni Pangulong Digong ay binigyan na ng warning na tumigil sa kanilang mga gawain pero hindi sila sumunod, iyan sana ang aking sasabihin sa media.
Aanyayahan ko sana ang mga foreign tourists, “Come to the Philippines because our streets are now as safe as those in Singapore. But our advantages over our neighbors are our more beautiful beaches and more picturesque countryside and a richer culture. We have a fiesta in any part of the country every day.”
Pero nagkataon na hindi ako si Wanda.
Alam n’yo, sa aming 10 magkakapatid na Tulfo, ang mga babae ay mahiyain at hindi prangka di gaya ng mga lalaki.
Dahil dinadagsa na ng turista ang ating bansa, nagpalabas ang prestigious Forbes Travel Guide kung alin ang mga 5-star hotels: Solaire Sky Tower at Marco Polo-Ortigas.
Ang Forbes list ng 4-star hotels ay ang Fairmont, Raffles, Hyatt City of Dreams at Sofitel.
Ang ibang hotels na rekomendado ng Forbes ay ang Pan Pacific sa Maynila at Makati Shangrila.
Ang awards ay binigay ng Forbes Travel Guide matapos magreport ang mga “mysterious shoppers” o yung mga guests na binayarang magmasid ng Forbes.
Dapat pagsabihan ng top management ng Mercury Drug, isang drug store chain, ang kanilang mga empleyado na ngumiti naman sa kanilang mga customers.
Ilang beses na akong bumili ng gamot sa Mercury sa iba’t ibang lugar sa bansa at napansin ko na ang mga sales clerks nito ay parang nakahigop ng maasim na suka o nakakain ng ipot ng manok.
Dapat tandaan ng mga tindera’t tindero ng Mercury Drug na ang mga customers nila ay mga may sakit o bumibili ng gamot para sa kanilang kamag-anak na may sakit.
Makagagaan sa problemang kanilang dinadala kapag ngumingiti ang mga tindera ng Mercury Drug.
Kung hindi sila makangiti, aba’y umalis sila sa trabaho at marami ang walang trabaho na papalit sa kanila na mga amiable.
Walang karapatan ang Mercury Drug na magpatuloy na bukas kapag hindi nila naturuan ang kanilang staff na ngumiti.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.