Madam official gamit na gamit ng mga kaalyado, pamilya nakakalimutan na
NAMI-miss na ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan ang kanyang dating pamumuhay bilang isang simpleng mamamayan kung saan ang pamilya lamang niya ang sentro ng kanyang buhay.
Sa tindi kasi ng mga stress na kanyang pinagdadaanan ay talagang marami ang concerned sa kanyang mga friends kung paano niya ito pinanghahawakan.
Sinabi ng ating Cricket na malapit sa kampo ng bida sa kwento natin ngayong araw na may mga pagkakataon rin na hinahanap-hanap nito ang maginhawang pamumuhay noong mga panahong wala pa siya sa pulitika.
Ito rin ang mga panahon kung saan ay buo pa ang kanyang pamilya.
Minsan ay sumasagi rin sa isipan ni Madam Politician na baka nagagamit lamang sa pulitika ang kanyang pangalan lalo’t wala na sa pwesto ang kanyang mga political backers.
May mga pagkakataon kasi na pakiramdam niya ay isinusubo siya ng kanyang mga kapartido dahil lamang sa kanilang sariling interes at kapakanan.
Nakalimutan na raw kasi ng mga ito na pati ang ating bida ay may problema sa pagpa-patatag ng pundasyon ng kanyang sariling tanggapan dahil sa ilang isyung pulitikal.
Sa mga susunod na araw ay mas lalong bibigat ang mga pasanin ni Madam Politician kaya sasamantalahin daw nito ang Holy Week para pag-isipan ang kanyang mga susunod na hakbang.
Kabilang sa kanyang mga gagawin ay ang pagkonsulta sa kanyang mga dating kaibigan na matagal na niyang hindi nakakausap simula nang maging abala ang ating bida sa pulitika.
Bagaman suportado siya ng kanyang mga anak sa kanyang mga laban, tila iba naman ang paalala ng ilan sa kanilang mga kaanak na huwag magpagamit sa ilang kaalyado na halatang ginagamit lamang siya para pagtakpan ang kanilang mga asunto.
Isa pa sa kanyang pinoproblema ngayon ayon sa ating Critics ay ang kanyang lovelife na hindi niya mailantad sa publiko dahil sa obvious reasons para sa eleksyon sa 2022.
Ang bida sa kwento ngayong umaga ay si Madam R…..as in Romance.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.