Kabuhayan Program dinoble | Bandera

Kabuhayan Program dinoble

Liza Soriano - March 24, 2017 - 12:10 AM

DINOBLE NG Department of Labor and Employment ang halaga ng tulong sa Kabuhayan package sa ilalim ng Integrated Livelihood and Emergency Program (DILEEP).

Sa pamamagitan ng isang department order dinagdagan na ang halaga ng Kabuhayan package mula P10,000 sa P20,000 para sa mga indibidwal na proyekto upang matulungan ang mga vulnerable at marginalized workers, at mabawasan ang insidente ng kahirapan.

Ang DILEEP ay isang programa na nagbibigay ng alternatibong trabaho sa mga mahihirap, vulnerable, at marginalized workers. Itinaas namin ang halaga ng tulong pinansyal para sa mga indibidwal na benepisyaryo upang masuportahan ang kanilang kabuhayan at tulungan itong mapalago bilang isang masiglang negosyo

Batay sa binagong mga alituntunin, ang mga indibidwal na benepisyaryo ay maaaring maka-avail ng Starter Kit o Negosyo sa Kariton (Nego-Kart), na ang maximum na tulong pinansiyal ay P20,000 depende sa pangangailangan ng proyekto sa ilalim ng Livelihood o KABUHAYAN Program.

Ang priority beneficiaries ng nasabing livelihood program ay ang mga self-employed workers na walang sapat na kita, marginalized at magsasaka na walang lupain, unpaid family workers, mga magulang ng mga child laborers, low-wage at seasonal workers, at displaced workers.

Ang livelihood program ay maaari rin na ma-avail ng mga organisasyon batay sa kanilang kategorya sa micro, small o medium livelihood.

Ang group livelihood project ay maaaring makakuha ng maximum na tulong pinansiyal hanggang P1 million para sa Medium Livelihood na may higit sa 50 miyembro; P500,000 para sa Small Livelihood na may 26-50 miyembro; at P250,000 para sa may 15-25 mga miyembro, depende sa mga pangangailangan ng kanilang proyekto.

Ang DOLE, kasama ang Accredited Co-Partners (ACPs) nito ay magbibigay ng mga pangunahing sanitary tools at accessories tulad ng mga guwantes, mask, hairnet, apron at iba pang gamit sa negosyo sa pagkain.

Information and
Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending