NU nakuha ang ika-4 sunod UAAP women’s tennis title | Bandera

NU nakuha ang ika-4 sunod UAAP women’s tennis title

Angelito Oredo - March 19, 2017 - 10:25 PM

Laro sa Miyerkules
(Rizal Memorial Tennis Center)
8 a.m. UST vs UE (men’s finals)

INUWI ng National University ladies tennis team ang ikaapat nitong sunod na korona matapos itala ang 3-0 panalo kontra University of Santo Tomas sa ginanap na UAAP Season 79 women’s  lawn tennis Finals Linggo ng umaga sa Rizal Memorial Tennis Center sa Malate, Maynila.

Sinelyuhan mismo ni MVP Clarice Patrimonio sa dominanteng 6-1, 6-3 panalo kontra Erika Manduriao sa ikalawang singles ang korona para sa Lady Bulldogs.

“We just focused on the game,” sabi ni Patrimonio, na muling inuwi ang pinakamataas na parangal sa liga sa ikalawang sunod na taon sa loob ng tatlong taon.

Nagwagi rin sa kanyang panghuling laro sa singles match si Christine Patrimonio, na tulad ng kanyang nakababatang kapatid na si Clarice ay nagwagi ng dalawang MVP, sa pagtala ng 6-0, 6-3 panalo kontra Precian Rivera upang ibigay sa NU ang 1-0 abante.

“Nakakalungkot kasi nasanay ako na kasama si Tin,” sabi ni Clarice. “But I guess next year, I’ll try my best.”

Nagwagi rin ang Lady Bulldogs sa doubles mula sa pares nina Jzash Canja at Apoul Polito na tinalo sina Shymae Guitaran at Erika Manduriao, 6-2, 6-0.

Nagtala rin ng kasaysayan ang NU sa pagwawagi nito ng 24 diretsong laban simula pa noong Pebrero 2015 upang maging ikalawa sa may pinakamaraming titulo sa likod ng De La Salle University na may pito.

Ang kampeonato ay tila naging pamamaalam din sa limang Lady Bulldogs players sa pamumuno ni Christine sa kanilang makulay na collegiate careers.

“I told them to to make it count, make it memorable,” sabi ni coach Karl Santamaria, na nakamit din ang apat na sunod na korona para sa NU men’s lawn tennis noong 2013-16.

Inuwi naman ni Nicole Amistad ng Ateneo ang Rookie of the Year honors upang maging ikalawang Lady Eagle na nakuha ang titulo matapos ni Jana Pages noong nakaraang taon.

Samantala, pinamunuan ni Alberto Lim Jr. ang University of the East sa paglapit nito sa inaasam na unang titulo matapos itala ang krusyal na 3-1 panalo laban sa University of Santo Tomas sa Game 1 ng UAAP Season 79 men’s lawn tennis tournament best-of-three championship series Sabado sa Rizal Memorial Tennis Center.

Binigo ni Lim Jr. ang nakatapat na si Dave Mosqueda ng Growling Tigers, 6-2, 6-2, sa second singles upang buhayin ang ratsada ng Red Warriors sa abante sa labanan sa iskor na 2-1.

Kinumpleto nina Paolo Baran at Jeric Delos Santos ang panalo para sa Red Warriors matapos na biguin sina Joel Cabusas at Bernlou Bering, 7-5, 0-6, 6-3, sa ikalawang doubles.

Naunang nagwagi ang season host UST sa panalo ni Nico Lanzado sa opening singles,7-6 (1), 6-3, kontra Josshua Kinaadman ng UE.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gayunman, agad itong ipinareha nina Rogelio Estaño at RJ Saga ng Red Warriors sa paghugot ng 6-3, 6-4 panalo sa unang doubles laban kina Clarence Cabahug at En-En Lopez ng Growling Tigers.
Pilit na iuuwi ng Red Warriors ang korona sa paglarga ng Game 2 ng serye sa parehong venue.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending