Malditang female star bobita, dumudugo ang ilong kapag nakakarinig ng English
UMEKSENA na naman kasi ang kamalditahan ng isang female personality kaya ang dami-dami na namang naalala ang mga miron tungkol sa kanyang mga kakuwanan.
Kahit pa sabihing nagbago na kuno ang magandang aktres ay mas marami pa ring nagpapatotoo na tulad pa rin nang dati ang kanyang ugali, reyna kuno ng kamalditahan ang popular na aktres, hindi niya puwedeng palabasin na nagbago na siya.
“Puwede ba, kahit ano pa ang sabihin ng mga tagapagtanggol niya, e, walang maniniwala na nagbago na siya. Anong pagbabago ang sinasabi niya, e, kailan nga lang, may bago na naman siyang pinagmalditahan?
“Akala mo naman kung sino ang babaeng ‘yan? Biniyayaan lang siya ng kagandahan, e, akala mo puwede na niyang angkinin ang buong mundo?
“Kundi pa siya bobita! Simpleng linya lang niya sa isang product endorsement, e, hindi niya makuha-kuha? Kinailangan pang kumuha ng English speech coach ang agency para lang siya i-guide?
“Nagmamaldita siya, e, ni hindi nga siya makapagsalita nang diretsong English? O, di ba, nu’ng magkaroon sila ng problema ng isa niyang co-star sa network nila, nag-English lang nang super-diretso ang kalaban niya, e, wala na siyang naisagot?
“Mamaldi-maldita siya, pero kapag kinausap na siya in English, e, natatameme na siya? Simpleng linya, e, hindi niya makuha-kuha, ‘yun ba, ganu’n ba ang taong kung makapagmaldita, e, parang wala nang bukas na susunod sa buhay niya?” inis na inis na kuwento ng aming source.
Hindi nagtagumpay sa pagbabago ng kanyang ugali ang nakahiwalay niyang manager na kung harap-harapan niyang tawagin ay bakla. Ganu’n nga, bakla kung tawagin niya ang taong halos mawalan na ng hininga sa pagtatanggol sa kanya.
Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, ewan na lang kung kailan kayo ipinanganak kapag hindi n’yo pa nagetlak kung sino ang super-malditang female personality na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.