Kilalang male star halos mamatay na sa pagtatrabaho, inaabuso ng pamilya
MARAMING nakikisimpatya sa naging kapalaran ng isang young male personality. Pasan kasi niya ang daigdig. Siya ang literal na inaasahan-sinasandigan ng buo niyang pamilya samantalang puwede namang gumaan ang pasan niyang krus dahil maraming paraan.
Sa kanyang edad ngayon ay halos ni hindi naranasan ng young male personality ang ma-enjoy ang kanyang kabataan. Para siyang kalabaw na isinuga sa bukid sa murang edad, pinagtrabaho nang walang puknat, dahil maraming bibig na umaasa sa kanya.
Kuwento ng aming source, “Oo nga, kilala na siya, kumikita na siya nang maayos, pero alam ba ng ibang tao na ang lahat ng pinagpapaguran ni ____ (pangalan ng young actor), hindi pa man niya inuumpisahan, e, meron nang nakaabang?
“Nakakaawa naman ang batang ‘yun, puwede namang kumilos ang mga kadugo niya, pero ano ang ginagawa nila? Nagpapasarap lang sila sa buhay, dahil meron silang inaasahang trabaho nang trabaho?
“Malalaki ang katawan ng mga kaanak niya, kayang-kaya nilang magtrabaho, e, pero matagal na silang tamad-tamaran dahil meron nga silang inaasahan! Nakakaawa ang batang ‘yun, sa totoo lang!” unang kuwento ng aming source.
Kaya pala kahit nakangiti na ang young male personality ay mararamdaman pa rin ang sobrang lungkot sa mga mata niya. Kaya pala palagi siyang malungkot sa set, hindi masyadong nakikipag-
usap sa mga kapwa niya artista, sobrang pagod na siguro ang isip at katawan niya.
“Paano nga, hindi pa man niya natatapos ang work niya, e, may mga nagte-text na sa kanya na may kailangang bayarang ganito at ganyan. Puro problema ang dumarating sa kanya, hindi man lang muna kumustahin ng mga taong ‘yun kung kumain na ba siya?
“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, nakakaawa naman talaga ang bagets na ‘yun, nabansot na tuloy siya sa katatrabaho, palagi siyang walang tulugan,” napapailing na kuwento ng aming impormante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.