Showtime kulang ang 'lasa' pag wala si Vice Ganda  | Bandera

Showtime kulang ang ‘lasa’ pag wala si Vice Ganda 

Ambet Nabus - March 10, 2017 - 12:25 AM

VICE GANDA

VICE GANDA

NAKALIMUTAN naming itanong sa pamunuan ng It’s Showtime kung may lisensya ba si Vice Ganda na banggitin bilang bahagi ng kanyang spiel o pagpapatawa ang mga product endorsements o kahit na ang katapat nilang show na Eat Bulaga.

Sobrang nakakaaliw kasi ang kakaibang talas at bilis ni Vice na magkonek ng mga salita kung saan nababanggit pa nito ang mga produkto o serbisyo o mismong katapat nilang show.

Popular na nga diyan ang Ritemed na madalas niyang kantahin sa kahit saang portion ng show, pero mas malala sa TNT. In fact, kinopya na nga ito ng iba’t ibang grupo o individual with their own version.

Hindi rin naman siguro totoo ang tsismis na “bayad” si Vice sa pagbanggit ng mga produkto sa kanyang punchlines dahil madalas din siyang sinasaway ng mga co-host niya dahil “bawal” nga raw yun. Ha-hahahaha!

Well, whatever it is, masaya lang at nakakatuwa ang style niya! Kaya nga nag-agree ang lahat ng co-hosts niya nang tanungin namin kung sa palagay ba nila ay hindi talaga kumpleto ang Showtime kung walang Vice Ganda. Yun na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending