‘Pwera Usog’ pang-filmfest ang kalidad; Grade A sa CEB
TAGUMPAY ang unang venture ng writer-director na si Jason Paul Laxamana sa unang horror movie niyang “Pwera Usog” mula sa Regal Entertainment.
Panay pasiklab at paandar ang hatid ng movie na talaga namang maghahatid ng matinding katatakutan mula simula hanggang sa ending. Ang lakas ng gulat factor ng pelikuka, sa opening credits pa lang, dama mo na ang kabog sa dibdib dahil sa pagkakalapat ng musika.
Magagaling din ang mga baguhang artistang bida sa “Pwera Usog”, lalo na si Sofia Andres na gumaganap bilang rebeldeng millennial. Pero sa bandang huli, matapang niyang hinarap ang mga kalaban na nagpabago sa mga pananaw niya sa buhay.
Matiyagang ex-boyfriend naman ni Sofia ang role ni Joseph Marco. Lumabas naman dito ang pagiging komedyante ng hunk actor sa ilang eksena. Pasado rin ang akting ng baguhang si Cherise Castro. Bitin nga lang ang exposure ni Albie Casino.
Ang biggest revelation sa movie ay sina Devon Seron at Kiko Estrada. Marami silang moments na nagpalitaw ng lawak ng kanilang emosyon bilang mga aktor.
Malaking factor din ang presence nina Eula Valdez at Aiko Melendez sa movie dahil ang galing-galing nila sa kanilang mga role.
Base sa reaksiyon ng mga nakapanood ng “Pwera Usog”, pang-festival ang kalidad nito. Perfect horror movie dahil panalo ang music, special effects at iba pang elemento ng katatakutan. No wonder, binigyan ito ng Grade A ng Cinema Evaluation Board!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.