McCoy mahal na mahal si Elisse, pero... | Bandera

McCoy mahal na mahal si Elisse, pero…

Julie Bonifacio - March 09, 2017 - 12:05 AM

mccoy de leon at elisse joson

MORE than pa sa inaasahan ni McCoy de Leon ang pagkakapanalo nila ng kapwa niya Hashtag member na si Nikko Natividad sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7 bilang 6th Big Placer. Feeling kasi ni McCoy ay pwede silang ma-evict anytime habang nasa loob ng Bahay ni Kuya.

Naniniwala si McCoy na naipakita nila lahat ni Nikko sa PBB ang dapat makita sa kanila ng mga tao. Pero marami pa raw palang gusto makita sa kanila ang mga tao. Natuwa tuloy siyang isipin na habang nasa proseso sila ng mga task ni Kuya, e, marami raw silang natutunan at nadiskubre sa kanilang sarili.

“Nalaman ko sa sarili ko na sobra talaga akong pinanghihinaan pagdating sa pamilya ko. Pero natutunan ko rin na i-manage ‘yun.

Kailangan din pala tumingin ka rin sa paligid mo, kung sino ang mga nakakasama mo. Kunyari gaya nina MayMay, si Nikko. Doon din pala pwedeng magkaroon ng lakas ng loob para lumakas ka,” ani McCoy.

Tungkol sa nababalitang girlfriend niya at dati ring housemate na si Elisse Joson, kumportable na raw sila ngayon sa isa’t isa.
“Pero nandu’n pa rin po sa point na…mahirap pa ring sabihin na hindi pa rin pwede. Parang inuunti-unti pa rin namin, sa ngayon. Kasi siyempre may mga bagay dapat na, ‘yung tamang way, na ligawan muna, ganoon po,” sabi pa ng binata.

Inamin ni McCoy na parating pa lang daw siya sa panliligaw kay Elisse. Ayaw naman daw niyang sabihin na wala silang “something”, “Pero masaya kami sa nangyari po sa amin kasi parang nao-overwhelm lang po siguro kami. Kaya pasensya rin siguro kung ‘yung iba nami-misunderstood kung anuman meron kami. Pero nandoon pa rin naman kami sa tamang way para magkaroon ng something po talaga.”

Naniniwala si McCoy na dapat lang na makuha muna niya ang blessing ng mga magulang ni Elisse bago siya manligaw, “‘Yun naman po talaga ang dapat kasi sa panahon po ngayon parang may mga text, may Facebok. Tapos sila na. Pangit naman po ‘yun.”
Mahal na mahal na raw talaga niya si Elisse kaya desidido daw siyang maging maayos ang simula ng kanilang realsyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending