2 libel case ni Cedric Lee laban kay Vina ibinasura na ng korte | Bandera

2 libel case ni Cedric Lee laban kay Vina ibinasura na ng korte

Reggee Bonoan - March 08, 2017 - 12:10 AM

vina morales at cedric lee
PAGKATAPOS ng presscon para sa bagong album ni Vina Morales, ang “Vina XXX” ay natanong ang TV hos-singer tungkol sa mga kasong isinampa sa kanya ng magkapatid na Cedric at Bernice Lee.

Masayang ibinalita ni Vina na dismissed na ang mga ito. Nagsampa ng kasong libelo sina Cedric at Bernice laban kay Vina dahil sa pagpapa-interbyu nito tungkol sa hindi pagbabalik ni Cedric sa anak nilang si Ceana.

May kasunduan daw sina Vina at Cedric mula sa korte hinggil sa visitation rights ni Ceana na hindi raw sinunod ng dati niyang partner.

Paliwanag ni Vina, “We received good results already, thankful kami ni Attorney Lucille Sering na nasa panig namin ang mga complaints and few of them are dismissed already.

“Hindi ko sana ibabalita pero natanong n’yo naman. Hopefully ‘yung iba rin. And thankful ako na God is good basta wala ka namang masamang intesyon sa kapwa mo, God will always listen to you,” aniya pa.

Tinanong namin kung sumampa pa ito sa korte, “Walang korteng nangyari, it’s just a complaint anyway and it’s dismiss,”sabi sa amin.

Isinampa ni Cedric sa iba’t ibang lugar ang kasong libelo kaya naman nagbiro si Vina, “Nagpapasalamat nga po ako sa lawyers ko who’s been helping me on that, and my cousins Edward Joson and Mayor Gail Joson of Nueva Ecija, kasi after that, sumunod na ‘yung Parañaque, Caloocan, Pasig, Mandaluyong inikot po namin. Ha-hahaha! Pero pasalamat naman po ako at nasa panig namin ‘yung mga resulta,” kuwento ni Vina.

Pero may on-going case pa si Vina at ito ‘yung demanda niya na ayaw muna niyang pag-usapan dahil sangkot ang anak niyang si Ceana.

“Ako naman kasi, alam mo minsan sa mga nangyayari sa ating buhay, minsan maganda ‘yung pinagsasamahan n’yo, minsan naman nagkakaroon ng problema at minsan, naayos din.

“Ako naman, bilang nanay at bilang tao, marunong naman akong mapag-usapan, huwag na lang ulitin ‘yung mga ganu’n pangyayari, marunong naman akong magpatawad, eh. So, ganu’n lang ang buhay ng isang tao para mas magaan ‘yung nangyayari sa buhay mo,” aniya pa.

Sa tanong namin kung nahihiram pa ni Cedric ang anak, “May court order,” say ni Vina.

Nabanggit din niya na sa loob ng 30 years niya sa showbiz ay wala siyang inaway na tao, “Ito na lang, in 30 years in show business, may narinig po ba kayo na nagwawala ako? May sinampal ako, masama akong tao? Never. Wala po akong ganyan. Tahimik lang po ako, kung puwede akong tahimik lang, hindi pag-usapan.

“There are people, there are things in this business, in 30 years, I’ve gone through a lot. Minsan nga, hindi na lang ako nagsasalita sa mga controversies. A lot of things are concocted by other people just to get attention. They want to use you para lang mapag-usapan sila.

“Ako naman, I always believe in the truth kilala niyo naman ako. For 30 years, hindi ko ugali yung ganu’n at saka, tama na, ayaw ko na pong magamit,” paliwanag ni Vina.

Dagdag pa, “One thing I’ve learned is to always believe and to prove to people na hindi ka naman ganung klaseng babae. At yung pagkatao mo, yun din naman ang makikita ng mga tao, I guess the respect and being a fighter.

“Hindi naman kailangan na sumagot sa lahat ng intrigang lumalabas tungkol sa akin o mga gawa-gawang istorya against me. Ang sa akin kasi, I always believe na silence is the best revenge. I always go through the proper way.

“Katulad ng mga nangyari sa akin last year, hindi man ako nagsalita against other people, I made sure I do it in the proper way, through the law, so I filed cases. Naniniwala ako, being a strong woman is to always keep your heads up.

“Basta wala kang inaapakan na tao at ang sinasabi mo ay totoo lamang. Doon ka lalong rerespetuhin ng mga tao bilang babae,” aniya pa.

q q q

Tungkol naman sa album niyang “Vina XXX”, co-producer pala si Vina rito at sadya raw natagalan sila sa pagpili ng materyales dahil nga in celebration ito ng kanyang 30 years sa business.

Ang gaganda nga ng mga kanta sa album lalo na ang “Maghihintay Kailanman” mula sa panulat ni Chie Floresca na nilapatan naman ng tunog ni Jonathan Manalo na isa rin sa producer ng album.

Ang carrier song niyang “Lagay Ng Puso” ay isinulat Raizo Chabeldin. Ang awiting “Pag-Ibig Na Walang Hangganan” na sinulat at nilapatan ng tunog ni Jungee Marcelo ang duet ng mag-inang Vina at Ceana.

Napasayaw naman ang lahat sa awiting “Eres Mio” (You are Mine) na isang Tag-Nish (Tagalog-Spanish) song na nilikha ni Rox Santos na ayon kay Vina ay feeling sexy talaga siya kapag kinakanta niya ang nasabing awitin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang iba pang awiting nilalaman ng album ay “Laro”, “I Want Love To Stay”, “To Live For Each Other” mula sa Star Music. Abangan si Vina sa mga mall at bar tours niya para sa promo ng kanyang bagong album.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending