Tanduay Rhum Masters ginulpi ang Batangas | Bandera

Tanduay Rhum Masters ginulpi ang Batangas

Melvin Sarangay - March 06, 2017 - 10:30 PM

BINUHAT ng mga dating PBA players na sina Mark Cruz at Jerwin Gaco ang Tanduay Rhum Masters sa 86-66 pagwawagi kontra Batangas kahapon sa pagpapatuloy ng  2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Si Cruz ay nagtala ng 29 puntos, tatlong assists at dalawang rebounds para pamunuan ang Rhum Masters, na pinutol din ang   two-game losing skid. Si Gaco naman ay gumawa ng 22 puntos, 11 rebounds at tatlong assists sa kanyang unang laro para sa Tanduay na kumuha sa kanya sa free agent pool noong nakaraang linggo.

“The whole country knows Jerwin Gaco, his experience and his tenacity. Maybe he still has a lot left in his tank and he’ll be heaven sent for us,” sabi ni Tanduay coach Lawrence Chongson.

Ang dalawa ay nagsanib puwersa para sa matinding ratsada ng Tanduay sa ikalawang yugto kung saan inihulog nila ang 16 sa 29 puntos ng koponan para maiwanan ang mga Batanguenos, 41-27, sa halftime bago pinalobo sa 22 puntos ang kanilang kalamangan, 86-64, sa huling quarter ng laro.

Si Jaymo Eguilos ay nagdagdag ng 11 puntos at apat na rebounds habang si Bong Quinto ay nag-ambag ng 10 puntos, anim na assists at apat na rebounds.

Ang panalo ay nagbigay sa Tanduay ng 4-3 karta at ipinagkaloob sa Racal Tile Masters, Café France Bakers at AMA Online Education Titans ang mga silya sa quarterfinals.

Sa ikalawang laro, sumandal ang Café France sa huling yugtong ratsada para talunin ang AMA Online Education, 92-83.

Bumida para sa Bakers  si Rod Ebondo na kumamada ng 29 puntos, 18 rebounds at anim na blocks sa panalo ng koponan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending