Baste: Nang manalo ang tatay ko, bigla akong naging gwapo! | Bandera

Baste: Nang manalo ang tatay ko, bigla akong naging gwapo!

Ervin Santiago - March 05, 2017 - 12:35 AM

BASTE DUTERTE

BASTE DUTERTE

HINDI kailanman pinangarap ni Baste Duterte ang makapasok sa mundo ng showbiz. Unang-una, nahihiya raw siyang humarap sa mga TV camera.

Pero ngayong marami nang nakakakilala sa kanya dahil nga anak siya ni Pangulong Rodrigo Duterte, mas mabuti pa raw na samantalahin niya ang pagkakataon na may mga nag-o-offer sa kanya ng mga proyekto sa mundo ng entertainment.

Magkakaroon na na sariling travel show si Baste na magsisimula na sa darating na Mayo, ang Lakbai kung saan ipakikita niya ang ganda ng iba’t ibang lugar sa Pilipinas, kabilang na ang mga bahagi ng bansa na hindi pa masyadong napupuntahan ng mga Pinoy.

Sa panayam ng programang ReAksyon ni Luchi Cruz-Valdes sa TV5, inamin niyang mas sumikat siya o nakilala simula nang maging Pangulo ang kanyang ama, pero aniya, wala naman daw nabago sa kanyang ugali o pakikitungo sa mga tao.

“Wala naman talagang nagbago. Yung nagbago lang kasi napapansin ako ng mga tao pero it’s the same me. Way before ganito na talaga ako kaya ‘di sila sanay na ‘Ang daming tattoo niyan, adik yan,’” chika ni Baste.

Pagrerebelde rin ba ang dahilan kung bakit siya nagpa-tattoo, “Siguro. Parang ganu’n din kasi dati sa Davao, tsini-tsismis na rin akong adik. Parang ‘Bakit?’ ‘di ba? ‘Ah yun pala gusto niyo, ah, sige papa-tattoo ako nang marami para matapos na.’”

Nang matanong kung ano ang feeling na buong bansa ang nakatingin at nakasubaybay sa bawat galaw niya ngayon, tugon ni Baste, “Wala rin naman akong magagawa, ito na yung buhay ko.”

Nakikita ba niya ang kanyang sarili na magtatagal sa showbiz? “Hindi naman, pasalamat na lang talaga ako naging president ‘yung tatay ko. ‘Di ba nu’ng nanalo ‘yung tatay ko bigla akong gumuwapo?” nangingiting sabi pa ng presidential son.

“Gusto ko lang talaga (mag-showbiz) kasi binigyan naman ako ng prod ng full creative control kaya talaga tinanggap ko to (travel show) tsaka kasi maraming nagpapa-selfie tapos masyado na akong kilala ‘di ako kumikita. Naisip ko ‘Tanggapin ko na ‘to para kumikita naman ako.’ Pag nakapag-ipon ako dito baka business na lang (susunod na career),” ani Baste.

Hindi rin isinasara ng anak ni Digong ang posibilidad na pasukin din niya ang mundo ng politika, being a graduate of Political Science rom Ateneo de Davao University. Pero aniya, sa ngayon, wala pa siyang interes na maging politiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending