Sino ang pipiliin? (2) | Bandera

Sino ang pipiliin? (2)

Joseph Greenfield - March 04, 2017 - 12:05 AM

Sulat mula kay Criselda ng Taba, Carmen, Davao del Norte
Problema:
1. Dalawa po ang boyfriend ko sa ngayon at pareho ko po silang mahal. Naisipan ko pong sumangguni sa inyo upang itanong kung kanino po ba sa dalawang lalaking ito ako magiging maligaya sa panahong ako ay nag-asawa na at kung sino ang mas ka-compatible ko sa kanilang dalawa? Isinilang po ako noong July 10, 1992 habang ang unang boyfriend ko na tawagin na lang nating Mr. Taurus ay isinilang naman noong September 4, 1991 habang ang ikalawa na tawagin na lang nating si Mr. Capricorn ay isinilang naman noong December 25, 1990.
2. Kapag po ba nag-asawa na ako sino ang dapat kong piliin sa kanila upang magkaroon ako ng isang maunlad at maligayang pamilya?
Umaasa,
Criselda ng Davao del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ang nagsasabing kapwa mo naman ka-compatible si Mr. Taurus at si Mr. Capricorn, dahil ang Cancer ay under sa elementong water o tubig, habang ang Taurus at Capricorn ay under sa elementong earth o lupa. Kung saan, ang pagsasama ng “lupa at tubig” ay sadyang itinatala bilang matagumpay at masaganan. Ganon paman, mas magiging matimbang pa rin ang relasyon Cancer at Capricorn kung ikukumpara sa Taurus at Cancer.
Numerology:
Samantala, kapwa din ka-compatible ng birth date mong 10 ang birth date na 4 at 25 ng dalawang boyfriend mo, kaya lang higit na babaero siya isinilang sa petsang 4, kung ikukumpara sa isinilang sa petang 25. At dagdag pa rito, at higit na mabait ang isinilang noong 25, kung ikukumpara sa isinilang sa petsang 4. Kaya kung ang taong isinilang sa 10 at sa petsang 25 ang magkakatuluyan, mas makasisigurado ang isang maligaya, maunlad at pang matagalang relasyon.
Huling payo at paalala:
Tunay ngang hindi maganda sa buhay ng isang babae na dala-dalawa ang boyfriend, dahil lalabas naman na para kang playgirl niyan at isa pa, baka matutunan mo ang gawaing iyan hanggang sa ikaw ay may asawa na. Kaya nga tulad ng nasabi na, mas mainam na ngayon palang ay piliin mo na si Mr. Capricorn, upang sa panahon ng iyong pag-aasawa na nakatakdang maganap sa taong 2019 sa edad mong 27 pataas, makasisiguro ng isang maunlad, maligaya at pang habang buhay ng pagpapamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending