Sylvia Sanchez: Saludo ako sa mga taong nag-aalaga ng may Alzheimer! | Bandera

Sylvia Sanchez: Saludo ako sa mga taong nag-aalaga ng may Alzheimer!

Reggee Bonoan - March 01, 2017 - 12:30 AM

SYLVIA SANCHEZ

SYLVIA SANCHEZ

IPINALABAS kahapon sa seryeng The Greatest Love ang eksenang naihi sa pantalon si Sylvia Sanchez dahil sa matinding nerbyos.

Isa lang ito sa senyales na lumalala na ang Alzheimer’s ni Mama Gloria, nabanggit sa amin ni Ibyang na mas marami pang malalang mangyayari sa kanyang karakter na dapat abangan ng mga manonood. Aminado ang aktres na mas lalong humirap ang mga ginagawa niyang eksena sa TGL kaya naman kapag umuuwi siya ng bahay ay talagang drain na siya at dala-dala pa rin niya ang karakter na Gloria. “Naisip ko sa pinagdadaanang hirap ng may Alzheimer’s ay mas doble hirap ang nararanasan ng mga nag-aalaga kasi isipin mo, naihi siya, siyempre lilinisan mo. And worst kung dumumi pa, hindi pa pahirap iyon? Kaya sana hindi mangyari sa akin iyon. “Sabi ko nga di ba, saludo ako sa mga taong nag-aalaga ng maysakit na Alzheimer’s kasi ramdam na ramdam ko, eh,” kuwento sa amin ni Sylvia. At dahil stress na ang aktres ay talagang gumagawa siya ng paraan kapag may libreng oras during weekends na makapagbakasyon sa Batangas. Sumasakay talaga siya sa jetski na umaabot ng kalahating araw with matching exhibition pa. “Oo, maganda ang role ni Gloria, pero mabigat kaya ginagawa ko pag puro iyak ako the whole week, nag-a-unwind ako pag weekend.  Punta ako ng beach o kaya magluluto ako nang magluluto para makalimutan ko ng Saturday and Sunday si Gloria. “Nagre-recharge ako pag weekend para fresh ulit ang puso ko para ma-portray nang maayos ang role ko bilang Gloria mula Lunes hanggang Biyernes,” sabi pa sa amin. Samantala, hiningi talaga ni Ibyang na libre siya ng Sabado o Linggo dahil family day nila iyon, “Ito lang kasi ang oras ko para sa pamilya ko, simula Lunes hanggang Biyernes nasa trabaho ako, pag-uwi ko, tulog na mga anak ko o kaya wala na sila nasa eskuwela na lahat. Maliban kina Arjo at Ria (Atayde) na may kanya-kanyang trabaho na rin. “Ang asawa ko tulog na rin pagdating ko, kaya paggising niya, gigising din ako para ipaghanda siya ng pagkain at lahat ng kailangan niya. “Mahirap kasi kung puro lang ako work baka pag-uwi ko may ibang katabi na ang asawa ko. Ha-hahaha! Kaya sinisigurado ko pag weekends magkakasama kami.  Ayokong mawalan ng pamilya,” kuwento ng aktres. Base sa tumatakbong kuwento ng The Greatest Love, namanhinkan na si Peter (Noni Buencamino) sa mga anak ni Gloria kaya kasalan na lang ang hinihintay.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending