'Tamang Panahon' ng AlDub pasok sa Guinness Book of World Records | Bandera

‘Tamang Panahon’ ng AlDub pasok sa Guinness Book of World Records

Jun Nardo - February 27, 2017 - 12:01 AM

 

maine mendoza at alden richards

NABIBISTO ng fans nina Alden Richards at Maine Mendoza ang ilang unguarded moments ng kanilang kaswitan na lumalabas sa social media. Patunay lang na hindi put on ang closeness ng dalawa lalo na nga’t mahigit isang taon na silang magka-loveteam.

Overload ang sweetness nila off cam kumbaga kaya nagdududa ang AlDub Nation kung close friends pa rin ba ang turingan nila. Kaya naman sa unang primetime series nina Alden at Maine,  halos hilahin na nila ang araw para maging Feb. 27 na, huh!

Sa panig naman ni Alden, ramdam sa pahayag ng binata ang sigla sa pagbabalik sa primetime. Matagal-tagal din siyang hindi napanood sa serye ng GMA.

“Sobrang happy ako with the team and with the actors na makakasama po namin dahil ramdam ko po ‘yung passion nila to make the soap work and to make the script very effective sa audience and sa actors as well,” saad ng Pambansang Bae.

Para naman sa mga sumusuporta sa loveteam nila ang gustong iparating ni Meng.

“Ginawa namin ang soap na ito para sa aming fans. Ang mahalaga sa amin ni Alden ay magustuhan nila. Sana magustuhan nila at maging proud sila sa akin, sa amin,” sey naman ni Meng.

Sa Eat Bulaga kahapon, dinispley na naman ni Den at Meng ang lambingan nila. Inanunsyo rin na ‘yung episode ng “Tamang Panahon” sa Philippine Arena ay pasok sa Guinness Book of World  Records dahil sa sa Most Used Tag In the World sa Twitter.

Anyway, bago ang worldwide preem ng DBTY ngayong gabi, ginulantang at pinaligaya muna nina Alden at Maine ang mga taga-Baguio City para sa Panagbenga Festival.

Sila ang banner ng Kapuso float. Nakasama nila sa Sunshine Park ang co-stars nilang sina Koreen Medina at Juancho Trivino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Talagang pinainit nina Alden at Maine ang malamig na klima sa Baguio, huh!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending