Kelan dapat itigil ang breastfeeding?
DOC, evening po! Ask ko lang po ano pong age ng bata na pwede itigil ang breastfeeding? At may magiging problema ba sa mommy like cancer kung tumigil siya magpabreastfreed? Thanks so much po. Wait ko sagot ninyo kasi suki me ng Bandera everyday. — … 9481
Hangga’t may gatas pa at kayang magpasuso, ituloy ito. Kadalasan tumitigil ito sa ikalawang taon ng bata. Subalit, merong umaabot ng apat na taon. Hindi magkakakanser dahil tumigil sa pagpapasuso.
DOCTOR Heal, tanong ko lang po, feeling ko po hindi ako nabubusog kahit ang dami ko nang nakain. Parang walang kabusugan ang tiyan ko. Ano po ba ito? Tulungan n’yo pa ako, Dr. Heal. – Van, N. Cotabato, …3451
Ang gutom ay dalawang klase – ang tunay na gutom (TRUE HUNGER) ay senyales na ikaw ay nangangailangan ng nutrisyon at enerhiya; at ang peke na gutom (FALSE HUNGER OR CRAVING) ay hinahabol ang kasarapan (PLEASURE) ng pagkain at hindi ka makukuntento kahit gaano pa karami ang iyong kinain.
Bago ka kumain, tanungin mo ang sarili mo: Ito bang pagkain ko ay para sa aking pangangailangang nutrisyon o para sa aking lugo at katakawan?
Uminom ng dalawang basong tubig na maligamgam. Magdasal at magpasalamat para sa pagkain na nakahain sa harap mo. Nguyain ang pagkain ng pinung-pino bago lunukin. Huwag inumin ang pagkain!
Ang kabusugan ay hindi dapat sa tiyan nararamdaman. Ang tunay na kabusugan ay kung nawala ang tunay na gutom.
Good am, doc. Tanong ko lang po kung ang babae po ay may myoma at nanganak, ang batang lalaki ay magkakaroon din ba nito? — …7627
Ang myoma ay tumor sa matris, kaya wala sa lalaki ito.
Ano ang tamang vitamin sa mga diabetes? — …4741
B Complex vitamin para sa mga ugat. Hindi makakagamot ang vitamins sa Diabetes. Kailangang pigilin o iwasan ang pagkain ng matatamis, magehersisyo at magmonitor ng blood sugar.
Editor: May reaksyon o tanong ba kayo kay Dr. Heal? I-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.