Si Cong napadalo ng hearing dahil present si lovely official | Bandera

Si Cong napadalo ng hearing dahil present si lovely official

Den Macaranas |February 24,2017
facebook
share this

Si Cong napadalo ng hearing dahil present si lovely official

Den Macaranas - February 24, 2017 - 12:10 AM

KILALANG tamad dumalo hindi lamang sa mga sesyon kundi lalo’t higit sa mga congressional hearings ang mambabatas na bida sa ating kwento.

Pero kamakalawa ay bigla siyang nagpakita sa isang committee hearing sa Kamara.

Pero hindi siya nag-iisa dahil present din sa pagdinig ang kanyang girlfriend na mataas na opisyal ng ating pamahalaan.

No need to explain further dahil open secret naman daw ang kanilang relasyon lalo na among party members ayon sa ating Cricket.

Kahit na hindi sila nagsasalita tungkol sa tunay na status ng kanilang relasyon ay makikita naman ang spark sa kanilang mga mata na tila nagsasabing happy sa isa’t isa ang mag-partner.

At para hindi sila maging sentro ng mga malilikot na mata ay umupo sila sa magkalayong pwesto.
Pero two seats apart lang naman daw.

Tumagal nang halos dalawang oras sa pagdinig si lady official at nang tumayo na ito ay tumayo na rin si Mr. Congressman.

Sinabi ng ating Cricket na parang bodyguard na nakabuntot si Cong sa kanyang love of his life.

Pero nang salubungin ng mga House reporters si lady official ay bigla na namang dumistansiya si sir.

Mahirap na nga naman baka makunan siya ng video at litrato na katabi si Madam lalo’t may mataas itong ambisyon sa pulitika sa mga susunod na taon.

At para makaiwas sa higit na intriga ay hindi na sumabay si Sir sa sasakyan ni Madam nang siya’y lumabas sa Batasan Complex.

Kakaiba ang taktika ni Cong. sa panliligaw dahil ayon sa ating Cricket ay inuna niyang ligawan ang mga anak ni Madam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang secret lovers na bida sa ating kwento ngayong araw ay sina Cong. B….as in Bigote at Madam L….as in Lovely.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending