Zanjoe, Bela Heart, Coney labs ng mga lolo’t lola sa ‘My Dear Heart’
PATULOY na sinusubaybayan ng madlang pipol ang heartwarming story ng seryeng My Dear Heart sa Primetime Bida ng ABS.
Ayon sa ilang komento na nabasa namin mula sa mga netizens na nakatutok sa My Dear Heart, kahit daw medyo madadrama ang eksenang napapanood nila, hindi ito mabigat sa dibdib kaya masarap pa ring matulog sa gabi.
Puring-puri nila ang galing nina Zanjoe Marudo at Bela Padilla na gumaganap na foster parents ng bidang bagets sa kuwento na ginagampanan ni Heart Ramos na nananatiling comatose sa isang ospital habang ang kanyang kaluluwa ay patuloy na lumilibot kung saan-saan.
Reaksiyon ng isang fan ni Zanjoe, “Namaster na ni Z ang portrayal ng pagiging tatay. Perfect siya for the role. Bagay din sila ni Bela na loveteam. Matindi ang chemistry nila on screen. Hindi pa sila parents pero feel na feel mo ‘yung mga karakter nila bilang mapagmahal na magulang sa kanilang anak na matagal nang coma!”
At siyempre, mawawala ba ang mga papuri para sa award-winning actress na si Coney Reyes na gumaganap bilang Dra. Margaret Divinagracia na siyang nakakakita sa kaluluwa ni Heart.
Wala pa rin daw kupas ang galing ni Coney bilang aktres na mala-bida-kontrabida sa serye. In fact, maraming senior citizens o mga lolo at lola ang nakaka-relate sa karakter ni Coney na gustung-gustong bumalik sa pagkabata dahil miss na miss na niya ang kanyang tatay.
Napapanood ang My Dear Heart sa Primetime Bida ng ABS-CBN pagkatapos ng Ang Probinsyano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.