Pia Wurtzbach no. 1 fan ni Liza; hindi pa sure kung babalik pa sa pag-aartista | Bandera

Pia Wurtzbach no. 1 fan ni Liza; hindi pa sure kung babalik pa sa pag-aartista

|February 23,2017
facebook
share this

Pia Wurtzbach no. 1 fan ni Liza; hindi pa sure kung babalik pa sa pag-aartista

- February 23, 2017 - 12:31 PM
pia wurtzbach at liza soberano LABS na labs ng LizQuen fans si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach. Very open kasi ang Pinay beauty queen na isa siyang certified supporter ni Liza Soberano. Sa nakaraang #AskPia Twitter party game na game na sinagot ng dalaga ang ilan sa mga tanong kanyang followers, kabilang na ang ilang personal questions. May nagtanong sa dalaga kung nagdyo-join din ba siya sa mga “fandoms” (grupo ng mga fans na sumusuporta sa sikat na celebrities or loveteams), sagot ni Pia, “Yes. I love all of them but I especially love Liza (Soberano). Yun na.” Siyempre, tuwang-tuwa ang mga tagasuporta ni Liza pati na rin ni Enrique Gil kaya todo ang pagpapasalamat ng mga ito kay Pia. Imagine nga naman, isang international beauty queen ang aminadong number one fan ng kanilang idolo. Isa rin si Pia sa mga naniniwala na pwedeng-pwedeng maging Miss U si Liza kung sakaling sumali ito sa Binibining Pilipinas na sinegundahan din ng ilan pang sikat na celebrities. In fairness, talaga namang malaki ang laban ng dalaga sa mga beauty pageants dahil sa kanyang angking ganda at talino. Samantala, isa pang follower ni Pia ang nagtanong kung may balak ba siyang ipagpatuloy ang kanyang showbiz career sa Pilipinas ngayong naipasa na niya ang Miss Universe crown. Tugon ng dalaga, “Hmmmm we’ll see. Although I feel like I’d be more effective being myself than playing a role.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending