Erich, Daniel napilitan lang magbati; nagplastikan para sa DanRich fans | Bandera

Erich, Daniel napilitan lang magbati; nagplastikan para sa DanRich fans

Ronnie Carrasco III - February 23, 2017 - 12:25 AM
erich gonzales THE strength of ABS-CBN in terms of artist management—as it obviously appears—ay ang husay nitong magwalis ng ikinalat nila. In fairness, it’s still the network which undoes what it does sa paraang maaaring sinasadya rin nilang mangyari to hype its artist or project. Kumbaga, sila rin ang naglalapat ng lunas sa sugat na kanilang nilikha. Naulit na naman ang ganitong ingenious strategy ng ABS-CBN nang pag-ayusin nila ang dating magkasintahang sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales. At kung ihahambing sa early signs of an impending volcanic eruption, ramdam na ang pagyanig ng lupa at pagsirit ng makapal ng usok mula sa bunganga ng bulkan. Ilang sandali pa kasi, Erich—tulad ng kanyang buweltang banta laban sa hipag niyang hilaw na si Vanessa—was about to spew lava.  Pero napigilan ito with the intervention of Star Magic. Pinag-usap, pinag-ayos, nilitratuhan nang magkasama as though there never was a trade of hurting barbs after their much-vaunted breakup. Kung ano nga naman kasi ang maaaring isiwalat ni Erich tungkol sa kung ano ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Daniel wouldn’t leave a good impression on the network they both belong to. Image-conscious and protective of their talents, kagyat na iniligpit ng ABS-CBN ang isinaboy bilang kalat finding its way into the garbage bin para doon na mabulok at hindi na mapakinabangan pa ng mga mangangalakal na scavengers (in this case, para hindi na pagpiyestahan ng publiko most especially by the netizens, and the media in general). Pero sabi nga, a picture can paint a thousand words. Hindi man nagsasalita ang mga larawan nina Daniel at Erich splashed on social media, obvious na pilit o put-on lang ang kanilang mga ngiti. Malinaw na isang malaking pagbabalatkayo, kundi man panlilinlang sa publiko ang nakikita on the surface, but underneath those plastered smiles lies a disturbing deception. q q q So, sa bandang dulo ng lahat nang ito’y isa lang ang malinaw na katotohanan. Tulad nina Erich at Daniel, we are all like pawns in the game of chess. Labag man sa ating kalooban ang isang bagay na pilit na ipinagagawa sa atin, we’re left with no other choice but to toe the line. Ang sumunod. Ang ngumiti kahit gusto nating sumimangot. Ang magpaka-Miss Friendship kahit gusto nating sungalngalin ang kasama natin sa picture. Mahirap kung sa mahirap when caught in this situation. In French, they refer to it as “cul-de-sac,” isang kalagayan kung saan walang pagtakas. Magtatakbo ka man nang pagkalayu-layo, para itong sarili mong anino na laging nakabuntot sa iyo. But those photos na kuha kina Daniel at Erich were just meant to undo the damage. Pero superficial lang ang nilapatang lunas ng Star Magic, skin-deep lang, ika nga, as the disease has become almost chronic na matatagalan pa bago ganap itong malunasan. No relief from this emotional ailment could be achieved sa kanilang US tour. Show ‘yon, ‘di ba? Expect that their sweet-as-honey closeness is all for a show. After hurting words have been spoken, the least that Erich and Daniel can do as mature, decent people is try to become friends sa paraang hindi na siguro dapat pang saklawan ng kinabibilangan nilang istasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending