3 bagong child star sa 'FPJ's Ang Probinsyano' lumebel sa kasikatan nina Onyok at Awra | Bandera

3 bagong child star sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ lumebel sa kasikatan nina Onyok at Awra

Reggee Bonoan - February 22, 2017 - 12:30 AM

probinsyano kids

ILANG araw pa lang napapanood ang mga batang sina Ligaya, Dang at Paquito sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang mga kaibigan nina MakMak at Onyok ay masasabi naming sikat na sila agad.

Tsika sa amin, hindi makapag-taping nang dire-diretso ang FPJKids sa isang palengke dahil sa rami ng nanonood at talagang pinagkakaguluhan na sila.

“Parang mall show sa palengke ang dating, grabe karaming tao,” kuwento ng isa sa nakakita mismo sa nasabing eksena.

Hindi na namin babanggitin kung saang palengke ang taping dahil baka mas lalo pang dumami ang pumunta. Hindi naman sa ipinagdadamot, kaso baka hindi na makapag-taping nang dire-diretso ang produksyon.

Nakakatuwa naman ang programa ni Coco Martin dahil nakadiskubre na naman sila ng mga batang may talento sa pag-arte at puwedeng sumunod sa yapak nina Awra Briguela at Onyok Pineda.

Kaya naman maraming bata ang nag-aabang sa FPJ’s Ang Probinsyano, dahil hoping din ang mga bagets na baka sila na susunod na madiskubre ni Coco.

Kapansin-pansin naman na kapag puro bata ang nasa eksena ay G o General Patronage ang rating na inilalagay ng produksyon at kapag ang mga maaaksiyong eksena na ang umeere at kapag naroon si Sam Pinto (Alyas Sexy) ay bigla na itong papalitan ng PG o Parental Guidance o di kaya’y SPG o Strong Parental Guidance. Ibig sabihin, talagang sineseryoso ng produksyon ang mga kautusan at pinaiiral na sistema ng MTRC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending