Whitehouse nanguna sa Stage 1 ng Le Tour
NALAGPASAN ni Daniel Whitehouse ang matinding akyatan para magtala ng solo breakaway finish sa opening stage ng 8th Le Tour de Filipinas kahapon sa Sorsogon City, Sorsogon Province.
Ang 22-anyos na climber mula sa Terrenganu Cycling Team ay kumalas sa mga kasaling siklista sa natatanging king of the mountain challenge sa Bulusan Volcano National Park para pagharian ang 164.50-kilometrong karera mula sa Legazpi City, Albay.
Kumarera sa malakas na buhos ng ulan sa bayan ng Casiguran, tumawid si Whitehouse sa finish line sa itinalang tatlong oras, 56 minuto at 16 segundo kasunod ni Benjamin Hill ng Attaque Gusto, na naiwan ng 1:51, na tumapos sa ikalawang puwesto.
Lumapag si Ryu Suzuki ng Bridgestone Anchor Cycling team sa ikatlong puwesto na kaparehong oras ni Hill kasabay nina Salvador Guardiola ng Team Ukyo at ang Kinan Cycling teammates na sina Jai Crawford at 2015 champion Thomas Lebas.
“I’m not good at sprints, so I waited for the climb and made my move,” sabi ni Whitehouse ng Great Britain na isusuot ang yellow jersey bilang overall leader sa Stage 2.
Si 7Eleven Sava-Road Bike Philippines rider Mark Galedo ay tumapos sa ika-13th puwesto na naiwanan ng 9:25 sa likod ng lap winner.
“That was just a warmup. There are three more races to go,” sabi ng 2014 champion.
Ang second stage ngayon ay isang 177.35-kilometrong karera patungo ng Naga City kung saan magkakaroon ng matinding akyatan sa bayan ng Tiwi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.